^

Pang Movies

Korina hindi agad naramdaman ang pagiging ina!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Korina hindi agad naramdaman ang pagiging ina!
Mar Roxas, Korina Sanchez

Sobrang thankful nina Senatorial candidate Mar Roxas and wife, Korina Sanchez na naging matagumpay ang surrogacy method na ginawa nila dahil ngayon ay may anak na silang kambal, sina Pepe and Pilar na 3 months old na ngayon.

Sa kauna-unahang pagkakataon nga ay ipinakita ng mag-asawa sa entertainment press sina Pepe and Pilar sa isang lunch tsikahan sa mansion nila kahapon sa Cubao.

Sobrang cute ng dalawang bata at ang saya-saya nilang tingnang apat habang kinukunan ng pictorial ng mga press. Nakakatuwa na finally, isa na silang matatawag na complete family talaga.

“Akala namin, hindi na dadating ito kaya talagang nagpapasalamat kami,” ani Mar.

Thankful din sila sa babaeng nagdala (ng siyam na buwan) at nagsilang ng kanilang anak.

“I’m thankful to her, she’s a single parent, and high school lang ang tinapos. Oo, kami ang pumili (sa kanya). Nagustuhan ko siya kasi nagsimula siya bilang barista sa Starbucks. Tinaguyod niya ‘yung anak niya. Single parent siya, iniwanan siya ng boyfriend niya. I don’t wanna give too much details because of her privacy,” pahayag pa ng Senatorial candidate.

Dahil daw sa kasipagan ay manager na ngayon ito ng Starbucks sa Pennsylvania, USA kung saan nga sinilang ang kambal.

Para naman kay Korina, hindi raw kaagad nag-sink-in sa kanya ang pagiging isang ina matapos isilang ang kambal.

“Hindi immediate ‘yung pag-sink-in nun’g motherhood lalo’t hindi ako ang nagdala. Parang medyo strange. You know when people were asking me, ‘are you excited? Are you excited?’ hindi ako makasagot kasi parang…

“Eh ang busy-busy ko sa trabaho. Up to the last minute before I boarded the plane to Pittsburgh (Pennsylvania, USA kung saan isinilang ang kambal), I was so busy. So, parang hindi mo maramdaman,” pahayag ni Korina.

Patuloy niya, “nun’g dumating ang mga bata, ‘ay okay, tao, humihinga siya,’ ganu’n. Tapos, hindi rin ako masyadong maka-bond because I have caregivers, di ba? Hindi naman ikaw ‘yung super-kasama niya.

“Pero unti-unti, day by day, nada­dagdagan ‘yung parang enjoy(ment). It’s not immediate. Talagang it builds and builds. And now, that they can see, they’re interactive, ayan na. Parang medyo bumubuhos na ‘yung connection, ‘yung bonding.”

Ibinahagi rin ni Korina na isa lang daw dapat talaga ang balak nila at hindi kambal.

“Si Mar ang may gusto ng kambal, gusto pa yata triplets. Sabi ko, ‘malakas ang loob ni lolo!’ I think it’s because he feels strong. He’s strong, eh, much stronger than me,” sey ng broadcast journalist at host ng Rated K.

Pero they settled for twins dahil ayaw na raw ng surrogate mom ang triplets.

“Usually raw kasi pag tatlo, dalawa lang (ang nabubuo). It’s really a miracle because it’s not usual that dalawa talaga mag-survive. Kung minsan nga, wala. Uulit ka nang uulit and that was our worry, kasi nga, baka maubusan ng embryo.”

What’s amazing pa nga ay babae at lalaki pa ang nabuo kaya naman miracle raw talaga.

Sa Mother’s Day ngayong Mayo ay first time niya itong ise-celebrate na isa na siyang ina at excited daw siya. Kung dati raw ay siya ang nagbibigay ng flowers sa mga nanay friends and family niya kapag ganitong okasyon, this time raw ay siya na ang bibigyan.

“May costume na ang mga anak ko, nakakatuwa,” masaya niyang wika.

vuukle comment

KORINA SANCHEZ

MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with