^

Pang Movies

Beautederm dinumog sa SG

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Beautederm dinumog sa SG

Tuwang-tuwa ang Beautederm owner na si Rei Tan dahil sa successful grand opening kahapon ng unang branch ng Beautederm sa Singapore.

Naloka si Rei dahil hindi nito inaasahan na susugod ang mga Pinoy sa branch ng Beautederm sa Lucky Plaza sa Orchard Road kaya nahirapan sila na makapasok sa loob ng store.

Kasama ni Rei ang kanyang mga special guest, ang Beautederm ambassadors na si Carlo Aquino at ang mag-asawang Glydel Mercado at Tonton Gutierrez na pinagkaguluhan ng mga Pinoy na sabik na sabik na makita sila nang personal.

Ang napakarami na Pinoy na nagpunta sa grand opening ng Beautederm ang sign ng success ng mga produkto ni Rei sa Singapore.

Touched na touched ang mga kababayan natin sa Singapore dahil mababait at walang star complex sina Carlo, Tonton at Glydel na game na game na pinagbigyan ang kanilang mga request na photo op.

Tuwing Linggo, umaapaw ang mga Pinoy sa Lucky Plaza dahil dito ang meeting place nila kaya tamang-tama ang pagbubukas ng Beautederm sa nasabing mall.

Located ang Lucky Plaza sa Orchard Road na pinaka-busy street sa Singapore dahil talagang pinupuntahan ng mga turista.

Minsan ko nang napuntahan ang Lucky Plaza dahil dito nag-promote ang mga artista na nagkaroon ng concert sa Singapore, maraming taon na ang nakalilipas.

Pinagkaguluhan ng mga Pinoy ang mga artista na first time nila na nakasalamuha nang personal. In fairness, successful ang concert ng mga artista na kasama ko dahil tinangkilik ito ng mga kababayan natin na nagtatrabaho at naninirahan sa Singapore.

Artistang pulitiko may babalikan pag natalo

Lunes ngayon at sa susunod na Lunes, eleksyon na kaya holiday sa Pilipinas.

Magkasunod ang Mother’s Day sa May 12 at ang midterm polls sa May 13 na pabor sa mga Pilipino dahil mahaba-haba ang kanilang bakasyon.

Mula ngayon hanggang sa Sabado, wala nang pahinga sa pangangampanya ang mga kandidato na sinusuyo na mabuti ang mga botante.

Marami sa mga artista ang tumatakbo para sa iba’t ibang posisyon at kung anuman ang maging resulta, manalo o matalo, may showbiz career pa sila na babalikan.

May mga artistang kandidato na confident na mananalo at may mga artista na kahit alam nila na tagilid ang laban, hindi pa rin sumusuko dahil naniniwala sila sa himala.

Alden-Kathryn walang bashers, pelikula inaabangan

Positive ang mga feedback sa pagtatambal nina Alden Richards at Kathryn Bernardo  dahil marami na ang nag-aabang sa kanilang pelikula.

Positive rin sa mga advertiser ang movie team up nina Alden at Kathryn dahil hindi pa man naipapalabas sa mga sinehan ang kanilang project, gumawa na agad sila ng television commercial.

Hindi ako magtataka kung masundan pa ang mga product endorsement na magkasama ang dalawa dahil maganda nga ang pagtanggap ng publiko sa kanilang tambalan.

Alam ng lahat na boyfriend ni Kathryn si Daniel Padilla pero hindi ito naging problema sa pagsasama nila ni Alden sa Star Cinema movie.

Mula nang magkaroon ng announcement na magsasama sina Alden at Kathryn sa Hello Love, Goodbye, walang mga negative feedback at walang bashers o haters. Ngayon pa lang, ramdam na natin na magiging blockbuster ang Alden-Kathryn movie dahil good vibes ang hatid nito sa fans.

vuukle comment

BEAUTEDERM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with