^

Pang Movies

Sa tulong ng block screening Jasmine umaasang tatagal pa sa mga sinehan ang kanilang pelikula

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sa tulong ng block screening Jasmine umaasang tatagal pa sa mga sinehan ang kanilang pelikula

Galit ang female star na si Jasmine Curtis Smith dahil tumanggi raw ang dalawang sinehan sa Taguig na magkaroon ng block screening ang kanyang pelikula. Ang katuwiran daw ng mga sinehan ayon sa kanya ay “hindi na raw sila naglalabas ng pelikulang Pilipino sa sinehan nila”. Natural lang na magalit siya. Lampaso sa takilya ang kanilang pelikula, at umaasa sila na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng block screening ay aabot pa hanggang weekend ang pelikula nila.

Kulang na lang sabihin nilang ipako na lang sa krus ang may ari ng mga sinehang iyan dahil sa “pang-aapi” sa pelikulang Pilipino.

Pero talaga bang kalaban ng industriya ng pelikulang Pilipino ang mga sinehan?

Hindi kami naniniwala riyan. Alam ba ninyo na noong araw, basta may producers na kinakapos ng pera para matapos ang isang pelikula, nagbabayad pa ng advance ang mga sinehan para matapos lamang iyon? Inabot namin iyang panahong iyan. May panahon pa ngang talagang walang puhunan ang producer at natatapos lamang ang pelikula dahil sa advance ng mga sinehan. Pero bakit ginagawa ng sinehan iyan noon? Kasi nga alam nila kikita at mababawi naman ang ipinautang nila.

Ngayon bakit sila naghihigpit, eh kasi maliwanag na hindi kumikita ang mga pelikulang ginagawa ngayon, lalo na ng mga baguhang producer at director. Iyong mga director natin ang ambisyon sumali sa festival sa abroad, hindi nila iniisip kung maipapalabas nga ba sila sa mga sinehan dito sa atin o hindi. Mataas ang lipad nila eh, na pang-international sila. Eh di doon sila maghanap ng sinehan.

Umaangal tayo, may dalawang sinehan umano sa Taguig na ayaw maglabas ng pelikulang Pilipino.

Alam ba ninyo noong nagsisimula kami, lahat ng sinehang magaganda mga pelikulang Ingles lang ang palabas, kasi nakakontrata sila sa film distributors. Ang magpapalabas lang ng pelikulang Pilipino ay Life, Center at Globe Theater sa Quezon Boulevard. Doon sa Rizal Avenue, nakakalabas lang ang pelikulang Pilipino sa Dalisay Theater. Nabago iyan nang gawin ni Mayor Antonio Villegas ang Manila Film Festival noong 1966. Lahat ng sinehan nagpalabas ng pelikulang Pilipino sa loob ng isang linggo. At nakita nila, kumikita ang mga pelikulang Pilipino kesa sa maraming pelikulang ingles na kanilang ipinalalabas. Nasira ang monopolyo ng mga dayuhan, at nakapasok ang mga pelikulang Pilipino.

Dumating ang panahon nina Vilma Santos at Nora Aunor, pumasok ang mas maraming independent producers na napakabilis gumawa ng pelikula, lalong nakopo ng pelikulang Pilipino ang sinehan. Nauso si James Bond, pero iisa lang siya. Dito sa atin may Lagalag, iyon ay si Eddie Fernandez, Tony Falcon Agent X44 naman ay si Tony Ferrer, Paolo Stacatto si Eddie Rodriguez, maging si Mang Dolphy mayroong Dolfinger, at si Papang Chiquito may James Bondat. Panalo pa rin ang pelikulang Pinoy.

Pumasok ang dekada 80, inilampaso ng pelikulang Bagets ang lahat ng kasabay na mga pelikulang ingles. Bumagsak ang pelikula ni Sylvester Stallone nang makasabay ang Bituing Walang Ning­ning. Naluma sila noong ipalabas ang Maggie dela Riva Story. At huwag ninyong kalilimutan, iyang mga pelikulang kano umiiwas na makasabay ang pelikula ni Fernando Poe Jr.

Ano ang sikreto kung ganoon? Walang sikreto. Nakuha ng mga pelikulang Pilipino ang mga sinehan dahil kumikita ang mga pelikulang Pilipino noong araw. Ngayon, papaano mo pipilitin ang may ari ng sinehan na naghahanapbuhay lang naman kung wala namang magawa ang pelikula mo kung ‘di umani ng kamote at kung minsan ay kalabasa. Ano iyon bahay kubo?

Malaki ang puhunan para maipatayo at mapanatili ang isang sinehan.

vuukle comment

JASMINE CURTIS SMITH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with