^

Pang Movies

Terrence at Doc. Hayden magka-birthday din

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Terrence at Doc. Hayden magka-birthday din

Naku Salve ha, kawawa ka naman na ginugulo ko habang nakasakay sa cable car sa Ocean Park kasama si Aries at Papa Randolf ha.

Pero na-excite ako nang nalaman ko na si Terrence Romeo pala kapareho din ng birthday namin ni Dr. Hayden Kho, Jr. at ng apo ko na si Kinsey McDonald. Kaloka di ba?

Mukhang totoo nga na dyowa ko si Terrence noong past life ko at anak namin si Terrence Jr.

Kawawang Pia Romeo na gagawin ko na lang na yaya ni Terrence Jr. dahil ako pala ang tunay na mommy. Grabe talaga ang ilusyon ko.

Lalo akong na in-love sa Instagram dahil sa mga ganitong pangyayari. Imagine na up to now hindi pa kami nagkikita nina Pia at Terrence pero feeling close ko sila nang magkaroon kami ng open communication dahil sa Instagram.

Kung hindi ako nag-Instagram, hanggang ngayon hindi ko pa makikilala sina Terrence, Pia at Terrence Jr.

My God, the magic of social media, truly amazing. Happy birthday Terrence Jr. and just like your birthday gang, go fight and up! Winner di ba?

Nadine jackpot kay James sa pagiging pasensyoso

Mas maiintindihan na ngayon si Nadine Lustre ng fans at supporters nito dahil sa pag-amin niya tungkol sa kanyang mga panic at anxiety attack.

Hindi madali ang magkaroon ng panic attacks dahil bigla na lang kinakabahan at natatakot ang may ganoong klase ng problema.

Sa kaso ni Nadine, sinubukan pala niya na mag-seek ng professional help pero natakot ang 67th FAMAS best actress na baka maging dependent siya sa mga anti-depressant medicine.

“Actually, a few years ago, I tried (to seek professional help) pero parang natakot po kasi ako. I’m the type of person po kasi na baka, hindi naman dependent, na if in case na bigyan ako ng meds or something, ang feeling ko hindi ko po kaya na wala na. I try to surround myself with people who love me and care for me.

“I think, growing up, lahat naman po ng mga kabataan, naranasan yon. It’s an imbalance for me, it goes way back, sa dad ko rin po, my grandparents so hindi ko rin po siya maiiwasan.

“I was also home-schooled although, nagti-TVC (television commercial) before and parang people would think, why would she feel insecure before na nagti-TV naman siya, may itsura naman siya?

“It doesn’t nece­ssarily mean na if insecure kasi hindi ka maganda. Sometimes, it’s just may emotional or merong mga pagkukulang o may mga hinahanap.

“Before po kasi, nag-home school ako so wala po akong friends, palagi po ako sa bahay…computer. Meron din po akong social anxiety. Kapag nakikipag-usap ako sa ibang tao, parang kinakabahan ako kasi hindi po ako marunong makipag-usap,” ang mga ipinagtapat ni Nadine sa mga reporter na nakausap niya.

Mabuti na lang, may boyfriend si Nadine na gaya ni James Reid na napakabait at very understanding.

Ikinuwento ni Nadine na sobrang unstable siya nang magbakasyon sila noon ni James sa Japan dahil ang sungit-sungit niya na epekto pa rin ng pagkamatay ng kanyang kapatid.

“Doon ko po nakita sa kanya na sobrang patient and understanding niya kasi kahit sa point na maiinis ka sa akin, kasi sobra na, siya po talaga ‘yung nagpapakalma sa akin.

“Siya din po calm din siya, and then he understands completely. Hindi po siya nagagalit or naiinis sa akin,” ang sabi ni Nadine na jackpot kay James.

vuukle comment

HAYDEN KHO

TERRENCE ROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with