^

Pang Movies

George Clooney pinagbawalan ng misis na sumakay sa motor!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
George Clooney pinagbawalan ng misis na sumakay sa motor!

Pinagbabawalan pala ng misis ni George Clooney na si Amal Clooney na sumakay sa motorsiklo.

Ayaw daw ni Amal na maulit ang naging aksidente nito last year sa Italy.

Tinakbo ang 57-year old actor sa emergency room ng John Paul II hospital pagkatapos itong mabangga at tumilapon mula sa kanyang motorcycle.

Dumaan sa MRI ang Oscar winning actor dahil sa “slight trauma to the pelvis and bruises to one leg and an arm.”

Kinuwento ni Clooney ang warning ni Amal sa media conference ng upcoming Hulu show niya na Catch-22. 

“I’m not allowed to ride motorcycles. I got into a really bad accident. I hit a guy at 70 miles an hour on my bike. Got launched. And so that’s, I’m off of bikes. Grant’s off. We screwed up and our wives were like, ‘You can never get on a bike again.’” natatawang kuwento ni George Clooney.

Kakai nahiyang na sa bashing

Sobrang hiyang na raw ang komedyanteng si Kakai Bautista sa mga bashing sa kanya sa social media.

Dedma na lang daw siya sa mga ito dahil ang mga basher daw ay nagmamarunong at feeling kilalang-kilala na ang buong pagkatao niya.

“‘Yung pamba-bash sa akin, sanay na po ako diyan. Lahat na ng panlalait, nasasabi na. Okay lang ‘yun. Basta ako, masaya ako. So, hayaan na lang po natin sila.

“Bakit ako paapekto eh masaya ako sa buhay ko. Silang mga bashers ang hindi masaya. Kasi wala silang ginagawa kundi maghanap ng kapintasan,” diin pa ni Kakai.

Ang latest na bashing kay Kakai ay ang pagiging close niya kay Pambansang Bae Alden Richards. Hindi raw nagustuhan ng ilang fans ang pagtawag ni Kakai kay Alden na “beybi”.

Lumen sa commercial ng sabon, masaya ang married life ngayon

Kilala nyo ba pa si January Isaac, ang commercial girl na nakilala bilang si Lumen sa Surf commercial?

Ilang taon ding naging Lumen si January sa series ng TV commercial ng Surf. Mula sa pagkakaroon niya ng manliligaw na si Lando hanggang sa magpakasal sila at magkaroon sila ng kambal na anak. Nakilala rin sa natu­rang TV commercial ang nakakatuwang mother-in-law na si Lola Obang.

Matagal na ngang natapos ang pagiging Lumen ni January at happily married na ito sa United States. 

Ang naging mister ni January ay si Wade Bodlovic at eight years na silang kasal. Kinasal sila sa Shoreline, Washington noong June 10, 2010.

May dalawang anak na si January at Wade na sina Hunter and Harley Jade.

Makikita ang magandang buhay ngayon ni January sa Amerika sa kanyang Instagram account. 

Huling napanood si January sa TV5 show na Midnight DJ noong 2008. Huling pelikula niya ay ang indie film na Saan Nagtatago si Happiness? at ang rom-com na You Got Me!

vuukle comment

GEORGE CLOONEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with