^

Pang Movies

Binibining Pilipinas hopeful pasado sa bar exam!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Binibining Pilipinas hopeful pasado sa bar exam!

Isa ang Binibining Pilipinas hopeful na si Bea Patricia Magtanong sa nakapasa sa 2018 Bar examinations na inilabas ng Supreme Court kahapon.

Inilabas ni Bea ang pagpasa niya sa kanyang Instagram kasama ang foto ng ama niyang isa ring abogado.

“Atty. Magtanong and Atty. Magtanong. Para sa aking pamilya, para sa Diyos at para sa bayan,” caption ni Atty. Bea.

Graduate ng kursong Business Economics sa University of the Philippines kun saan doon din siya kumuha ng kursong law. Samantala, sa June 24 naman ang grand coronation ng Bb. Pilipinas.

Catriona ininterbyu ni Tyra Banks via phone!

Inilihim ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang phone interview sa kanya ng international TV personality and model, Tyra Banks. Para sa music issue ng foreign magazine na V magazine ang interview.

“Flooding my feed cause I’m super giddy! It’s been so hard keeping about this. Definitely a pinch-me moment! Interviewed for @vmagazine by @tyrabanks for their May 2019 #MusicIssue!” bahagi ng caption ni Catriona kalakip ang cover niya sa magazine.

Take note, si Tyra ‘yung sobrang hanga sa lava walk at slow-mo twirl nu’ng Miss Universe pageant. Todo tweet siya sa paghanga sa pasabog na walk ng ating kababayan.

Kaya sa interbyuhan,  ang lava walk ang isa sa napag-usapan nila.

Habang iniinterbyu, dama ng Miss Universe ang humility at empowered woman ni Tyra.

vuukle comment

BEA PATRICIA MAGTANONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with