^

Pang Movies

AiAi tinapos na ang pagiging impakta!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
AiAi tinapos na ang pagiging impakta!
AiAi delas Alas

Tapos na ang selos days ni AiAi delas Alas ngayong mag-asawa na sila ni Gerald Sibayan.

“Dati, may selos ako. May mag-good evening lang sa kanya noon, lagot agad sa akin! ‘Oh, bakit ka naggu-good evening sa asawa ko?’ ‘Wala naman po akong intensyon eh.’

“Sabi ko, ‘Gabing-gabi na, 11PM na, good evening ka sa asawa ko, tapos wala kang intensyon na manglandi?’ Matapang ako talaga!” pahayag ni AiAi sa pocket presscon niya para sa pelikula niyang Sons of Nanay Sabel.

“Impaktang-impakta talaga ako!

“Pero ngayon wala na. Siyempre natakot na ‘yon,” dagdag ng Comedy Queen.

Kaya naman sa problema sa marriage ng isa sa members ng alaga niyang Ex Battalion na si Jon Gutierrez at sa asawa nitong si Jelai Andres, todo ang advice niya sa alaga na ayusin ang problema nila.

“Sana maayos. Kumbaga, ako ang manager nila at nanay, siyempre wala namang magulang na ang gusto nila eh mapariwara ang anak nila.

“Kaya i-save niya ang marriage niya. kasi sabi ko, nangako ka sa Diyos na for better or for worse. Pag nangako ka sa Diyos, tuparin mo,” paliwanag niya.

Ang galing-galing na niyang magbigay ng payo, huh!

“Of course! Sa dami naman ng dinaanan ko, ang tanga-tanga ko naman kung hindi pa ako makapag-advice! ‘Yung sa akin by experience kaya sinasabi ko sa kanila. Lahat ng pagkakamali ko na itinama ko.

“Sa una lang naman ‘yan eh. Kumbaga, may nabasa ako kapag ang lalaki nambababae. You should not compete with variations. Kasi pag bago, excited ka.

“Kunwari nilalandi ka. Eh marami namang pukersiya talaga. May asawa ka na, ewan ko ba, ang dami namang lalaki pero bakit ‘yon ang papatulan mo?

“Una sa lahat, pag taken na, wag na. Huwag nang pumatol, masama ‘yon!” bulalas ng Co­medy Queen.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with