^

Pang Movies

Kilalang basketbolista, confirmed na hiwalay na sa misis

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Hindi na pala ikinakaila ng isang kilalang basketball player ang real status ng kanyang married life.

Aminado si basketbolista na ilang buwan na silang hiwalay ng kanyang misis.

Hindi na rin nakatira si misis sa bahay ni basketbolista.

Kapag tinatanong si basketbolista tungkol sa kanyang misis, sinasabi niya ang totoo. Hindi na siya nagpe-pretend pa dahil hiwalay na naman daw talaga sila.

Sabi ng iba, tila walang suwerte sa love life si basketbolista dahil ‘yung dating karelasyon niya na sikat ay nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.

Guwapo nga pala si basketbolista, kaya marami ang naniniwalang hindi magtatagal ay may bago na naman siyang makakarelasyon.

Hot young actor, mahilig gumawa ng milagro kasama ang makeup artist/extra

Naloka naman ako sa kuwento ng dating handler ng isang dating hot young actor.

Naloka raw siya nang puntahan niya si dating hot young actor sa dressing room nito.

Naka-lock daw kasi ang pinto at nang katukin niya at pagbuksan siya, nakita niya ang dating hot young actor sa loob kasama ang gay make-up artist.

Nagduda raw tuloy si handler.

“Ewan ko, pero feeling ko, may ‘milagro’ silang ginawa,” sabi ni handler.

Eh, “mahilig” daw kasi si dating hot young actor at kapag sinusumpong ng “kati” at nagpapa-B_.

Sabi pa ni handler, may narinig nga siyang kuwento na sa isang taping at nagpa-B_ sa isang talent (tawag sa extra) sa loob ng van niya si da­ting hot young actor.

Well...

Liza at Enrique may bagong project

Magsisimula pala kaagad ang taping ng LizQuen teleserye.

Approved na raw ng top management ng ABS-CBN ang new teleserye nina Liza Soberano at Enrique Gil, kaya nagka-casting na para roon.

Malamang, magkaroon na rin agad ng story conference.

Well, tiyak na matutuwa ang LizQuen fans!

Gina at home sa Kapuso

Mukhang sobrang at home na si Gina Pareño sa GMA 7.

Hindi na lang kasi siya sa primetime series na Kara Mia napapanood.

Panay na ang guesting niya sa iba pang shows ng Kapuso network.

Bukas nga ay guest siya sa Sarap ‘Di Ba? morning show ni Carmina Villarroel.

Super aliw nga raw ang guesting na ‘yon ni Tita Gina kung saan kasama niya si Mike Tan na co-star din niya sa Kara Mia.

vuukle comment

KAPUSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with