^

Pang Movies

Richard at Lucy panay pa rin ang ligawan

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Richard at Lucy panay pa rin ang ligawan
Richard, Lucy

Minsan umiiral talaga ang pagiging romantic ni Mayor Richard Gomez. Noong anniversary ng kasal nila ni Congresswoman Lucy Torres, nag-post si Mayor Goma ng video ng kauna-unahang commercial na ginawa nila ng kanyang asawa. Pareho silang commercial model noon at commercial iyon ng isang shampoo.

Inamin ni Mayor Goma na nagsimula ang lahat sa shooting ng commercial na iyon. Agad siyang na-inlove kay Cong. Lucy, na hindi naman niya alam ay matagal na rin pala siyang crush noon.

Matinee idol na kasi si Mayor Goma noon, at siya nga ang “high school crush” ni Cong. Lucy kahit na hindi naman niya alam na magkakakilala sila. Isipin mo nga naman, nasa Maynila ang isa at iyong isa naman ay nasa Ormoc. Pero dahil nga sa commercial, nagkita sila at nagkakilala.

Siguro masasabi naming kilala talaga namin si Mayor Goma. Naging witness kami sa dalawa niyang naunang love affairs bago si Cong. Lucy, pero masasabi nga siguro namin na naging seryoso lang siya talaga sa kanyang asawa. Malaki ang ipinagbago sa buhay ni Goma. Malaki rin ang ipinagbago ng kanyang attitude simula noong maging mag-syota sila ni Lucy at alam namin noon pa man na magkakatuluyan nga silang dalawa.

Tingnan naman ninyo after 21 long years, akala mo nasa ligawan stage pa rin sila. Hindi mo narinig na nagkaroon sila ng problema, kasi nga masyadong inlove sa isa’t isa kaya kung nagkakaroon man ng problema, nagpapasensiya na lang.

Iyong basta may mga bagay na pinagtatalunan at hindi mapagkasunduan ang mag-asawa, masasabi mo ngang hindi todong inlove iyan sa isa’t isa. Kasi kung talagang todong inlove iyan, pararaanin kung may mga bagay mang hindi niya gusto, at iyon ang susi ng habang buhay na pagsasama.

Foreign film mas pinipilahan, lokal kinakawawa

Maaga pa kahapon, nagpunta kami sa isang supermarket sa isang mall. Dahil holiday, napansin namin ang ilang sinehan na may mahaba nang pila. Nagsimula ang kanilang screening ng alas-sais ng umaga, at ang mga nakapila ay naghihintay na ng ikalawang screening ng alas-nuwebe.

May isang sinehan sa mall na iyon na may palabas na isang pelikulang Pilipino. Tahimik pa ang sinehan, at ang nakalagay na unang screening schedule ay alas dose na ng tanghali.

Nang magdaan ulit kami nang hapon, mas mahaba na ang mga pila sa limang sinehan na iisang pelikula lang ang palabas. Mukhang inaantok naman ang portera noong isang sinehan na ang palabas ay pelikulang Pilipino. Tapos tumayo na siya, iniwan na ang kanyang puwesto, at tumulong doon sa mga kasama niya sa kata­bing sinehan. Bagsak ang pelikulang Pilipino. Nasaan nga ba ang problema?

Half foreigner na modelo, kung saan-saan nagkakalat ng kabadingan kaya hindi mai-release ng talent manager!

Akala ng isang talent manager, naka-jackpot na naman siya nang mag-prisinta sa kanya ang isang model na gusto ring mag-artista na half foreigner. Pogi naman kasi ang bagets, at willing to learn. Pero ang naging problema, hindi nga mapigilan ng baguhan ang kanyang kabadingan. Kung saan-saan siya nakikita at alam na ninyo kung ano ang dahilan. Naghahanap din ng kapwa niya pogi.

Gusto na raw i-release ng talent manager ang pogi sa kanilang kontrata, at mukhang aminado na siyang talagang natanso rin siya noong una.

Tandaan, hindi lahat ng kumikinang ay ginto.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with