Ian pinagkakitaan na ang pagkanta!
Wow Salve A., mukhang siniseryoso na ngayon ni Ian Veneracion ang pagiging professional singer, considering that after his special guesting sa concert ni Zsa Zsa Padilla, titled Totally Zsa Zsa, on May 16 at the Newport Performing Arts Theater Resorts World, magpe-perform siya on his own concert, titled Ian: In Color, with no less than top singer and composer, Ogie Alcasid producing.
A two-night concert, scheduled sa Music Museum, July 11 and 12, hindi pa inia-announce kung sinu-sino ang magiging special guests niya, pero ang tiyak daw, according to a source, sa kanyang iba’t ibang musical instruments, kabilang na ang piano at flute.
Not many obviously know na isang mahusay na painter din si Ian.
Iyon nga lang, ba’t ba lately, wala yatang project either for TV or movies na balitang gagawin ni Ian?
His last appearance was in the soap A Love To Last, which co-starred him with Bea Alonzo and Iza Calzado.
Gerald at Bea sinusulit ang isa’t isa
Of Bea, her upcoming project daw is a series, which will co-star her with Richard Gutierrez.
Yes, contract talent na ng Kapamilya si Richard G., who might soon do a movie, too for Star Cinema.
Since not yet busy si Bea, madalas daw niyang kasama ang boyfriend na si Gerald Anderson sa beach house in a resort sa Beneg, Botolan, Zambales.
Gerald is busy with his soon-to-be released movie, Between Maybes, co-starring him for the first time with Julia Barretto.
Scheduled to be shown theaters nationwide on May 15, Between Maybes is Black Sheep Production and has John Paul Laxamana at the helm.
Pagkakaroon ng partylist ipapaliwanag ni Ted!
Paki naman, Salve A., kay Ted Failon to explain lenghtly sa program niyang Failon Ngayon, kung ano ang ibig sabihin ng Party List at kung bakit sila kailangan.
And why the need na iboto sila? Will their political existence improve ba our lives? At ang ating bayan, may pagbabago ba tayong mararamdaman bilang mamamayan?
Please, Ted, it’s only a good two weeks before the May 13 election. And not many are well enlightened tungkol sa Party List.
Including us.
Hindi kaya party lang sila in the true sense of the word?
Grae gustong sundan ang yapak ng lolong si Rudy
Naabutan pa palang buhay ni Grae Fernandez ang action star niyang Lolo na si Rudy Fernandez, papa ng kanyang amang si Mark Anthony Fernandez.
He was about seven years old lang daw nang binawian ito ng buhay.
Kaya, maliban sa mga kuwentong kanyang naririnig tungkol sa kanyang lolo, from his Dad Mark Anthony especially, wala siyang gaanong personal na alam tungkol kay Rudy F.
Ganunpaman, napapanood daw niya ang mga pelikula nito. At hangang hanga siya, lalo’t sa pagiging action star nito.
Kung tatahakin niya ang landas ng pagiging action star ni Rudy, he simply hopes ay matupad ito.
Right now, in his new and first lead series with Edward Barber, Hiwaga Ng Kambat kung saan may mga action scenes siya. lalo’t ang kalaban niya ay si Edward, na isinilang na paniki.
Hiwaga Ng Kambat, which started airing two Sundays (6:30 pm) ago on ABS-CBN ay pumatok kaagad sa mga televiewers. Based sa national TV ratings, lalo’t sa Kantar Media.
Sari-saring papuri rin online ang kanilang nababasa. Lalo’t sa mga kabataang manonood, who describe Hiwaga Ng Kambat as hitik sa action, kakaiba ang love story and, in between, nahuhulaan ng comedy fantasy.
“Wala ka nang hahanapin pa sa isang teleserye,” saad pa nila.
Edward at Grae’s leading ladies in Hiwaga ng Kambat are Maymay Entrata and Chantal Videla.
Both Edward and Maymay nga pala swear na wala pang maituturing na seryosong relasyon between them. But they are as close as can be, ito ay di nila ide-deny.
“Malaki at magandang influence sa akin si Maymay,” pag-amin ni Edward. “She serves bilang inspirasyon ko dito.
“I am glad, she is my leading lady sa puwedeng ituring kong biggest break ko as an actor,” tukoy pa ni Edward.
- Latest