^

Pang Movies

Kiray at Jerald magkakainlaban!

Philstar.com
Kiray at Jerald magkakainlaban!
Kiray Celis at Jerald Napoles

MANILA, Philippines — Sa panahon ngayon, social media sites na ang ginagamit ng karamihan para maka­kilala ng bagong kaibigan o bagong kasintahan. Iba’t ibang tao at iba’t ibang mukha ang ­ating nakikita pero hindi naman tayo sigurado kung totoo nga bang sila ang mga nasa likod ng litratong kanilang inilalabas.

Posers ang tawag sa mga taong guma­gamit ng pekeng account at pekeng hitsura upang maitago ang totoong sila, pero papaano kaya kung ang dalawang posers ay nagkakilala at nagkaibigan? Magkaroon kaya sila ng happy ending?

Ngayong Sabado, May 4, tunghayan ang naiibang love story nina Marvin at Jane Bedonia na gagampanan nina Kiray Celis at Jerald Napoles sa Magpakailanman.

Bukod kina Kiray at Jerald, makakasama rin nila sina Tanya Gomez, Elle Ramirez, Kiko Matos, Luri Nalus at Danielle Ozaraga.

Mula sa direksyon ni LA Madridejos at panulat ni John Roque, abangan ang From Poser to Forever: The Marvin and Jane Bedonia Love Story.

vuukle comment

JERALD NAPOLES

KIRAY CELIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with