^

Pang Movies

Sharon graduate na sa dating ginagawa

Vir Gonzales - Pang-masa
Sharon graduate na sa dating ginagawa
Sharon

MANILA, Philippines — Ibang Sharon Cuneta ang mapapanood sa pelikulang Kuwaresma na isang Mother’s Day presentation ng Reality Entertainment. Makakapareha niya rito si John Arcilla.

Tapos na sa karaniwang papel ni Sharon na pakanta-kanta, sumasayaw-sayaw at nagda-drama sa ilalim ng punong-kahoy si Megastar.

Ngayon ay horror movie naman ang hahara­pin ni Sharon.

Kwento ni Sharon, masaya siya at maswerte dahil sa Baguio sila nag-shooting na hindi ganun kainit unlike dito sa Manila na aakalain mong may katabi kang pugon.

Anyway, akala ng marami ay pulos mestizo looking guys ang pwedeng ipareha kay Sharon. Hindi mestizo si John Arcilla pero magaling itong umarte. Maalalang nag-stand out ito nang husto sa pelikulang Heneral Luna.

Ang Kuwaresma ay idinirek ni Erik Matti.

Uge hindi nakatanggi kay Bitoy

Ayaw na sanang mag-artista pang muli si Eugene Domingo dahil gusto muna niyang magpahinga.

May show naman daw siya every Sunday, ang Dear Uge but who can say no raw kapag ang kaibigang si Michael V. ang nag-alok sa kanyang mag-guest sa movie na ididirek nito, ang Family History. Besides, matinong pelikula ito dahil maganda ang istorya bukod sa pagbibidahan ito ni Bitoy at Dawn Zulueta.

Matagal na palang pangarap ni Bitoy ang makapagdirek at makapag-produce ng pelikula. Makakapanood muli ang ating mga kababayan ng isang matinong pelikula na walang halong kabaklaan.

Personal…

Birthday greetings to April born celebrants na sina Angel Locsin, Daniel Padilla, Manilyn Reynes, Nadia Montenegro, Konsehal Anjo Yllana, Vic Sotto, Romnick Sarmenta, Kim Chui, Cesar Corpus, Jimmy Tamayo alyas Mahinhin Dee, Ms. Hilary Ordinario of Toronto, Canada.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with