^

Pang Movies

Koreans hindi makatakas sa military training

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Koreans hindi makatakas sa military training

Kahit superstars

Hangang-hanga ako sa mga Korean dahil kahit superstar, hindi puwedeng takasan ang mandatory military service na dapat na gawin nila.

Kahit male superstars sila sa South Korea, dalawang taon ang isasakripisyo nila para sa military training.

I think, ‘yon ang dahilan kung bakit may disiplina sila, mahal na mahal nila ang kanilang bayan at very professional sila sa career nila.

Dapat siguro, ganoon din ang  mangyari sa atin to instill discipline sa mga  kalalakihan, lalo na sa mga kabataan.

Kung magkakaroon sa atin ng mandatory training, baka makatulong ito para makaiwas sa paggamit ng illegal drugs ang mga kabataan.

Baka maging mapagmahal din sila sa bayan, magkaroon  ng focus at matinding commitment sa buhay.

Hindi madali na talikuran sa loob ng dalawang taon ang fame at fortune na tinatamasa ng Korean actors  dahil kapag lumabas na sila, hindi nila alam ang mangyayari sa kanilang mga career.

Napakalaking sacrifice pero never na tinalikuran ng mga Koreano ang kanilang mga responsibilidad bilang law-abiding citizens. Magkaroon din sana ng mandatory military training sa Pilipinas  dahil makakatulong ito sa mga kabataan natin.

Awayan ng magkapatid na Binay scripted daw

Kaloka naman ang news tungkol sa pag-aaway ng magkapatid na Abby at Junjun Binay sa election forum na ginanap sa isang simbahan sa Makati City noong Sabado nang gabi.

Parang na-feel ko ang tensyon ni former Vice President Jojo Binay nang makita nito na nagsisigawan sa loob ng simbahan ang kanyang mga anak na magkalaban sa mayoral race sa Makati City.

Pinagpipistahan at pinag-uusapan ang insidente dahil nakunan ng video ang mga eksena bilang lahat ng mga tao, may mga hawak na cellphone cameras.

Kung kailan malapit na ang eleksyon, saka nabahiran ng bagong kontrobersya ang magkapatid na dati nang may iringan.

Mabuti pa ang kanilang kapatid na si Senator Nancy Binay, intriga-free at patuloy na namamayagpag ang pangalan sa mga survey ng mga senatoriable na malaki ang tsansa na manalo sa eleksyon sa May 13, 2019.

Talk of the town ang toyo ni Senator Nancy na type ko na masubukan dahil hindi siya namigay ng kanyang mga toyo nang humarap noon sa entertainment press.

Nakakaloka lang ang reaksyon ng mga tao sa eksena nina Mayor Abby at Junjun.

May ilang mga makikitid ang isip na nagkomento na scripted ang pag-aaway nila sa loob ng simbahan.

Walang tao na matino ang pag-iisip na gagawa ng eskandalo sa loob ng simbahan, lalupa’t isang kandidato dahil tiyak na makakaapekto ‘yon sa kanilang pagtakbo.

Mabuti pa si Edu Manzano, hindi affected ng rivalry ng mga kandidato sa San Juan. Game na game si Edu na nagpakuha ng litrato, kasama ang isang supporter ni Francis Zamora na suot ang t-shirt nito.

Bongga ang statement ni Edu na “At the end of the day, WHO CARES! THIS IS JUST A SHIRT!!! We are not defined by the clothes we wear but by the person that we are!”

Sana, katulad ni Edu ang lahat ng mga kandidato na hindi pinepersonal ang pangangampanya niya at tanggap kung anuman ang magiging resulta ng eleksyon.

vuukle comment

KOREAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with