^

Pang Movies

Kathryn may napatunayan uli kay Daniel!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Kathryn may napatunayan uli kay Daniel!
KathNiel

Napakaganda naman nung ginawang biglang pag-uwi ng Maynila ni Kathryn Bernardo para makasama sa selebrasyon ng 24th birthday ni Daniel Padilla.

Meron pa bang patunay na kinakailangan para masabing talagang nagmamahalan ang KathNiel sa kabila ng ginawag paghihiwalay sa kanila ng kanilang home network na ABS-CBN?

Pansamantalang iniwan ni Kathryn ang shooting ng movie nila ni Alden Richards sa Hong Kong na Hello, Love, Goodbye. Buti na lang at kinailangan ding lumuwas ng Pambansang Bae para daluhan ang pagbubukas ng kanyang kauna-unahang franchise ng McDo sa Biñan, Laguna. Hindi lamang naroon si Kathryn sa party ni DJ, siya pa rin ang umayos para makatugtog sa party ang paboritong banda ni DJ na Orange and Lemons. Pinaka-happy ang KathNiel fans dahil sa kabila ng paghihiwalay ng project ng dalawa, suportado pa rin nila ang isa’t isa.

Gerald nakahanap ng kilig kay Julia

Mukha namang nakatagpo ng tamang kumbinasyon ang Star Cinema sa pagpapareha kina Gerald Anderson at Julia Barretto sa pamamagitan ng pelikulang Between Maybes. Mukhang may chemistry ang dalawa sa kabila ng agwat ng kanilang mga edad.

Bentahe ni Gerald ang matanggap ng manonood sa kahit kanino siya ipareha. Nagbabadya ng kilig ang pakikitambal niya sa ka-loveteam ni Joshua Garcia. Kailangan namang magkaroon din ng magandang project ni Joshua, ‘yung parang The Good Son para hindi siya mapag-iwanan ni Julia.

Kris panalo pa rin, Gretchen ayaw tumigil

Ikasasama ng loob ng bashers ni Kris Aquino ang pagkaka-dismiss ng kaso na isinampa laban sa kanya ng magkapatid na Nicko at Jesus Falcis. Bigo silang makasuhan ang TV host na kahit anong effort ang gawin ng mga kalaban niya always comes out victorious. Si Gret­chen Barretto kaya ay hindi pa handang maghagis ng tuwalya sa ring?

Kadenang Ginto humahabol sa success ng Halik

Natapos na ang seryeng Halik. Suwerte ng ABS-CBN dahil matapos na mag-rate ito ng napakataas ay sumunod naman ang seryeng Kadenang Ginto na viral din dahil sa palitan ng mga salita nina Dimples Romana at Beauty Gonzales.

Nag-effort ang direktor ng Halik na gawing favorable ang ending hindi lamang para kina Jericho Rosales at Yen Santos kung hindi para rin kina Sam Milby, Yam Concepcion at Romnick Sarmenta. It even came to a point na wala marahil tututol kung magkabalikan ang characters nina Yam at Echo pero, para kay Jackie (Yen) at Lino (Echo). Sila ang mga bida, kontrabida lamang nila sina Jade (Yam) at Ace (Sam). All’s well that ends well.

 

vuukle comment

KATHRYN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with