^

Pang Movies

Kim tinuldukan na ang pagpapa-sexy!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kim tinuldukan na ang pagpapa-sexy!
Kim Domingo

Tinuldukan ni Kim Domingo ang image niyang sexy. Personal decision niya ‘yon at sinang-ayunan ng GMA Artist Center.

“Parang na-realize ko na hindi na ako masaya sa ganito. Ganun ang nangyari sa akin,” rason ni Kim nang makausap ng press sa shooting ng pelikula niyang Kiko En Lala.

Dagdag niya, walang kinalaman ang mga taong katarabaho niya. Gusto lang niyang mag-focus sa drama.

Wala raw kinalaman ang indecent proposals na natatanggap niya.

“Dati na naman, meron nang ganyan nu’ng magmo-modeling ako.

“Hindi naman totally sinasabi kong balut na balot ako. Hindi naman ganoon,” sey niya.

Puwede pa siyang mag-two piece?

“Ay, hindi ko na kaya ang ganyan! Kasi nu’ng summer special ng Bubble Gang, naka-one piece lang ako. Hanggang once piece na lang ako!” diin ni Kim.

Exception lang ‘yung pagiging modelo niya ng isang clothing brand kung saan keri niyang mag-underwear.

“Pero hindi ako pinilit ng GMA sa desisyon kong gusto kong gawin,” saad pa niya.

Baka ang boyfriend niyang basketbolista ang nagbawal sa kanya magpaseksi?

“Ay, hindi po. Bawas na lang pati na ‘yung pagpu-post sa social media ng seksi. Meron pa naman akong Patikim ni Kim na double meaning din!” pahayag pa ng Kapuso artist.

Arnell at Alex abala sa Juan…

Magkasangga sina Arnell Ignacio at Alex Gonzaga sa paniniwala sa adbokasiya ng Juan Movement Party List. Miyembro na sila ng grupo bago pa man sumabak sa election ang party list na ang layunin ay palaganapin at pag-ibayuhin ang nasyonalismo at ang pagiging makabayan ng bawat Pinoy.

Pero take note, hindi sina Arnell at Alex ang uupong representative ng movement kung palarin sa May 13 elections. Bahagi pa rin ng gobyerno si Arnell at showbiz pa rin ang focus ni Alex.

Pahayag naman ng nominees ng party list na sina Jhun Llave, Nico Valencia at Mark Boado, “Hindi kami party list ng isang sekto ng lipunan kung hindi party list ng lahat ng Juan sa Pilipinas!”

Sa gusto nilang gawing batas kung sakaling mahalal eh ang pagbaba ng admission fee sa sinehan para sa Pinoy film upang maging affordable sa pamilyang Pinoy, huh!

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with