^

Pang Movies

Claudine ‘di pa kayang makasama si Raymart

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Claudine �di pa kayang makasama si Raymart
Raymart Santiago

Ito ang buong tapang na sinabi ni Claudine Barretto nang mag-guest siya sa Tonight with Boy Abunda. Pinatotohanan niya ang balitang magbabalik na siya ng showbiz, babalikan niyang muli ang kanyang pag-aartista hindi lamang sa TV kundi maging sa pelikula rin.

Nakatakda na siyang magsimula ng shooting any time now ng isang pelikula na pagsasamahan nilang muli ni Piolo Pascual. Matatandaan na una silang nagtambal sa pelikulang Milan. Mayro’n din siyang gagawing serye pero, hindi ang FPJ’s Ang Probinsyano, na kung saan ay kasama ngayon si Raymart Santiago. Obvious na hindi pa sila okay ng dating asawa dahil sinabi niyang baka mangyari ang paggi-guest niya sa AP kapag wala na run ang kanyang ex.

Makikita ang comeback ni Claudine sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya bilang ina ni Jameson Blake.

Mga sinehan aligaga sa Endgame

Grabe naman kung makasubaybay ang fanatics ng The Avengers Endgame. Dahil sa kanila kung kaya binuksan ang lahat ng branches ng SM Cinema ng 24/7, para ang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na mapanood ang istorya ng Marvel na kahit madaling araw ay pinipilahan na.

Sana lamang ay mabigyan din ng magandang pagkakataon ang mga lokal na pelikula na makakasabay nito na suportahan din ng mga Pinoy. At sa mga nakapanood na, huwag sanang ibulgar kung ano ang ending ng pelikula.

Gabby, game rin kaya kay Sharon?!

Game pa rin daw si Sharon Cuneta para gumawa ng project kasama si Gabby Concepcion. Ang kwestyon ngayon ay kung game rin ba naman ang Kapuso actor na makasama siyang muli? As it is, okay naman ang aktor nang hindi siya kasama, Baka ipagpatuloy na nito ang paggawa ng mga proyekto nang hindi siya kasama. Sino ba ang mas makikinabang sa muli nilang pagsasama?

Speaking of Gabby, tila mas nakakabuti sa kanya ang pananahimik sa isyu ng pagbebenta niya ng lupa ng kanilang ina nang wala itong consent. Tama lamang na sa korte na lamang siya magsalita. Sa ganitong paraan nga naman hindi maaapektuhan ang trabaho niya.

vuukle comment

RAYMART SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with