^

Pang Movies

Kakai nabuwisit sa mga pikon sa ginawa nila ni Alden

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kakai nabuwisit sa mga pikon sa ginawa nila ni Alden

Ang sagot ni Kakai Bautista na “Don’t talk about me like you know me. You don’t know anything about me. But, thank you for supporting me” sa mga nam-bash sa kanya dahil sa ‘serye’ nila ni Alden Richards sa kanyang IG story.

Kung marami ang natawa at natuwa sa IG story ni in-upload ni Kakai na lambi­ngan nila ni Alden na kunwari ay ex-BF niya habang nasa Hong Kong sila at nagsu-shooting ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye, marami rin ang nagalit at na-turn off sa kanya.

Pati kay Alden, nagalit ang ilang AlDub fans dahil hindi raw nito inisip na may fans siyang bata na naglu-look up sa kanya, tapos mapapanood ang video nila ni Kakai.

Dahil siguro na-bash, itinigil ni Kakai ang pag-a-upload ng katuwaan nila ni Alden. Ang napapanood na lang ng fans ng aktor, ang video niya kasama sina Joross Gamboa at Jeffrey Tam na parang laging nagsa-shopping ang tatlo o kaya’y namamasyal ‘pag wala silang shooting.

Inah natuwa sa sinalihang horror movie

‘Kaloka si Inah de Belen, pinost niya ang trailer ng Maledicto at ‘yung eksena nila ni Tom Rodriguez na gumaganap na Fr. Xavi na kanyang kapatid. Pati kami ay nagulat sa trailer na kung saan, hinawakan niya sa leeg ang nurse na nagtsi-check kung saan galing ang dugo sa likod ng ulo niya.

Ilan lang yun sa mga eksena ng Maledicto na showing sa May 1, sa direction ni Mark Meily. Nabanggit ni Inah sa interview sa kanya na marami pang nakakatakot na eksena sa movie, hindi lang eksena niya, pati eksena nina Tom, Miles Ocampo at Jasmine Curtis-Smith.

Mahilig manood ng horror movie si Inah, kaya masaya nang masama sa cast ng Maledicto. Kung nakakatakot ang mga eksena sa movie, masaya at magaan naman sa set at thankful sila kay direk Mark at sa buong staff.

Ang sabi ni direk Mark sa pagkasama ni Inah sa movie, dapat at kailangang kasama ang anak ni Janice (de Belen) at alam nating naging reyna ng horror movie ang nanay ni Inah.

Okay sa young actress na sundan ang pagiging Queen of Horror movie ni Janice dahil mahilig siyang manood ng horror movie.

vuukle comment

KAKAI BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with