^

Pang Movies

Maine malabong maging si Darna

Vir Gonzales - Pang-masa
Maine malabong maging si Darna
Maine Mendoza

MANILA, Philippines — Sulit ang pagod ni Maine Mendoza sa pag-akyat sa Benguet kung saan kinunan ang episode nila para sa Lenten special sa Eat Bulaga.

Pansin na pansin ang pag-arte ni Maine kasama sina Paolo Ballesteros at Ruby Rodriguez.

Samantala, sa kabila ng kaliwa’t kanang poll para sa Darna role na iniwanan ni Liza Soberano, isa si Maine sa mga gusto ng taumbayan para rito, ang kaso, iba raw ang kanyang management kaya malabong mangyari ang gusto ng fans niya.

Bagay na bagay pa naman kay Maine ang role bilang Darna dahil sa kutis niyang morena at very Pinay beauty.

Kasama rin sa nangunguna sa vote ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray na kasalukuyang reigning ngayon, pero ang kaso, inglisera naman daw ito. Eh wala naman daw ingliserang Darna.

John Arcilla epektib na kontrabida

Sunud-sunod na ang mga kontrabidang tumitihaya sa FPJ’s Ang Probinsyano, pero si John Arcilla ay buhay pa rin at handang ilaglag sina Rowell Santiago at Coco Martin sa nasabing serye.

Magaling umarte si John, hindi katulad ng ibang kontrabida na basta lang umaarteng nagagalit at naha-highblood.

Samantala, katatapos lang nilang mag-shooting ng horror movie ni Megastar Sharon Cuneta mula sa direksyon ni Erik Matti, ang Kuwaresma.

Jinkee kabado para sa anak

Masaya ang pambansang kamao at world’s boxing champion na si Manny Pacquiao dahil nanalo ang anak niyang si Jimuel Pacquiao sa isang charity na para sa advocacy na fight against depression.

Ginanap ang laban sa Amoranto sports complex sa Quezon City noong April 13, halos ayaw makita ni Jinkee Pacquiao na nakikipag-boxing na rin ang kanyang anak.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings to April born celebrants:

Kim Chiu, Diana Zubiri, Susan Henson, Sandy S. Mariano, Matuk Astorga, Ovette Ricalde, JC Tiuseco at Paul Salas.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with