^

Pang Movies

Janine namamahinga lang

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Janine namamahinga lang
Janine Gutierrez

Thankful si Janine Gutierrez na wala na siyang prosthetics sa kanyang afternoon action-drama series na Dragon Lady. Hindi naman kasi biro na lagyan siya ng prosthetics sa face at ulo bilang isang dragon for two hours at lagi pa siyang may suot na top na may hoodie para maitago ang kanyang face at hindi katakutan ng mga taong makakakita sa kanya.

Hindi pa raw niya alam kung ibabalik pa iyong dati niyang hitsura. Hindi pa rin daw niya alam kung buhay pa ang gumaganap niyang ina sa story, si Diana Zubiri na nakita niyang nahulog sa bangin, kagagawan pa rin nina Maricar at Joyce.

Hindi rin nakapagbakasyon si Janine ngayong Holy Week dahil nagti-taping nga sila. Dito raw muna siya dahil two weeks ago, umalis din siya for Paris para sa isang bagong endorsement. Pahinga na raw muna siya this weekend.

Ang Dragon Lady ay napapanood Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga.

Pia gagawin lahat para sa Darna

Dream role pala ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzback ang maging Darna, kaya ipinahayag na niyang willing siyang mag-audition sa Star Cinema kapag open na ang audition nila. Kung mapipili siya, willing din si Pia na magkaroon ng mahigpit na training, kahit anong dapat gawin ng isang Darna.

Sa ngayon, may mga nagri-request din na bakit hindi sabay mag-audition sina Pia at ang 2018 Miss Universe Catriona Gray. Iyon nga lamang puwede bang maging Darna si Catriona hanggang hindi pa tapos ang kanyang reign bilang pinakamagandang babae sa universe?

Alden mag-isang makikipaglaban

This year, 20 years na palang nagbibigay ang APT Entertainment ng Lenten presentation tuwing Black Saturday. Isang naiibang story ang kanilang ihahatid ngayon na suspense, action, drama, horror, na magtatampok kay Alden Richards. Pagkatapos magpaiyak ni Alden last Holy Monday sa EB Lenten Special na Bulawan, ngayon naman ay mag-isa siyang makikipaglaban para sa kaligtasan ng batang dala-dala niya this Black Saturday, April 20, 7:00 PM.

Lumabas na ang video ng teaser ng The Journey at umani na ito ng libu-libong views and comments na nagsasabing sana raw ay ginawa na lamang movie ito, sa ganitong genre raw bagay talaga si Alden.

Makakasama ng aktor sina Max Collins, Kristoffer Martin, Vaness del Moral, Rodjun Cruz, Jennica Garcia-Uytingco, Nonie Buencamino, Ms. Irma Adlawan at ang actor-director na si Ricky Davao. Ang kabuuan ng Lenten special ay kinunan ni Direk Michael B. Tuviera sa Marikina, Boso-Boso at Antipolo, sa loob ng apat na araw.

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with