^

Pang Movies

Julia willing mag-panty at bra sa audition!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Julia willing mag-panty at bra sa audition!
Julia Barretto

Willing daw si Julia Barretto na mag-audition para sa Darna. Ito ang ipinahayag ng young actress isa niyang panayam.

“I will do it,” ang sabi ni Julia. “If there will be auditions, I will go to that audition in panty and bra and just do the thing.”

Isa si Julia sa mga choices din ng netizens para gumanap na Darna kapalit ni Liza Soberano na nag-withdraw na nga sa nasabing proyekto dahil sa finger injury.

When asked kung ano ang masasabi ng young actress sa mga nagsasabing deserving siya na maging Darna, she replied, “Thank you so much for even thinking about me. I mean that’s a huge thing, that’s huge. Thank you.”

Pero sa ngayon ay abala si Julia sa pelikula nila ni Gerald Anderson at kasalukuyan din siyang naghahanda para sa kanyang upcoming action film kasama si Joshua Garcia.

Bong naghahanap din ng trabaho sa showbiz

Napakasipag ni Senatorial candidate Bong Revilla sa pangangampanya. Araw-araw ay kung saan-saan siya nag-iikot at lipad dito, lipad doon ang ginagawa sa buong Pilipinas.

Tulad na nga lang last Sunday na dumalo kami sa proclamation rally ni Pandi, Bulacan maroyalty candidate Enrico Roque, naroroon din si Bong at nag-motorcade sa mga bayan-bayan ng naturang lugar. Nabanggit nga niyang nang gabing ‘yun ay nakatakda rin siyang pumunta ng Davao.

Nangitim na nga si Bong sa kakampanya at pumayat na rin nang kaunti. Pero biro nga niya, “cute pa rin naman” at napagkakamalan na raw nga siyang si Jolo Revilla (his son) ngayon.

Sa latest survey ng SWS ay nasa no. 6 si Bong kaya naman masayang-masaya ang aktor/politiko.

Ayon kay Bong, sa lahat daw ng laban na hinarap niya, ito na raw ang pinakamarumi.

“Sa National ha? Sa National, talagang pinaka­madumi ‘to,” deklara niya.

Samantala, miss na miss na rin ni Bong ang showbiz at nagbigay na siya ng kumpirmasyon na pagkatapos ng eleksyon ay ito naman ang haharapin niya. Bread and butter daw niya ang pag-arte kaya hinding-hindi niya ito matatalikuran.

Kinumpirma rin niyang sasali siya sa Metro Manila Film Festival this year.

“Basta I’m open. Kung gusto akong kunin ninuman, I’m open. Meron din akong nakahanda (na materyal) for myself. Kung merong kumbinasyon na gustong mangyari, I’m open,” pahayag ni Bong.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with