^

Pang Movies

Alden nilalandi ni Kakai

Nitz Miralles - Pang-masa
Alden nilalandi ni Kakai
Kakai Bautista, Alden Richards

MANILA, Philippines — Hala! Marami ang nagagalit kay Kakai Bautista dahil sa IG series niya kasama si Alden Richards na ang tawag ng netizens ay “landian” nilang dalawa. Sa napanood naming video, nagpapa-cute at nagpapabebe si Kakai, may pahaplus-haplos sa mukha at halik kay Alden.

Si Alden naman, humahalik sa leeg ni Kakai at sinasabayan ang pagpapa-cute ng komedyante. Kaya lalong nagagalit ang fans.

May mga nagagalit din kay Alden dahil sinasabayan daw ang paglalandi sa kanya ni Kakai. Pinag-iingat siya at baka mapikot siya ni Kakai at baka matulad daw siya kina Mario Maurer at Ahron Villena.

Pero, marami rin ang natutuwa sa “Ex Serye”ni Kakai at hayaan na lang daw ang mga nagseselos na fans, haters at bashers. Alam daw nila na katuwaan lang ang ginagawa nina Kakai at Alden.

Nasa Hong Kong sina Alden at Kakai para sa shooting ng Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye.

Kris sinopla ang sorry ng spokesperson ni Mar Roxas

Nag-sorry si Caloocan City Representative Edgar Erice kay Kris Aquino at nilinaw na hindi niya intention na isisi kay former president Benigno “Noynoy” Aquino ang pagkatalo ni Mar Roxas sa 2016 presidential election.

May sagot si Kris sa apology ni Rep. Erice: “I wish i could say no comment BUT while i acknowledge he apologized, kung sincere di ba madali akong i-text ng personal? Sen. Kiko (Pangilinan) has my numbers. And several other people na kilala namin COULD easily connect us- again unfortunately na compare, si Bong Go personal, 37 minute phone call para magpaliwanag at mag sorry.

“Eh bakit sa kin magso-sorry? The apology should be to Noy.

“I’ll quote ‘the saddest part about betrayal is that it never comes from our enemies’- hindi kami close, never kaming naging close. Pero kung totoo yung sinabi nya na kaibigan syang matalik ni Noy- you don’t discard a friend because wala ka nang pakinabang sa kanya. At mas lalong hindi mo ibabaon ang isang tao para lang iangat ang kandidato mo... sorry pero ang babaw naman ng tingin nya sa mga VOTERS, na dahil lang mag bu-blue iboboto na ang kandidato? Hindi ko sya enemy- honest naman, sino ba kami sa buhay ng isa’t isa? Pero sinimulan nila kaya tinapos ko- nagsalita lang ako dahil hindi ko kayang manahimik at pumayag na may isa pang tao ang umapak sa kapatid ko. A good man doesn’t deserve to be punished for staying decent. So kung kailangan ako ang contrabida-KAKAYANIN KO. Para lang alam nila na may isang Aquino na papalag at atakihim man ng lahat ng bashers at trolls- hindi aatras. Dahil laban para sa pamilya na ‘to. I am ready to be hated if it means i was able to make a stand defending my family.

Kaya ang ulit na tanong ni Kris? “WHY WAS HE APOLOGIZING TO ME??? Because i don’t need his apology- wag nya ilihis kung kanino talaga sila may atraso. Because utang na loob- this was never about me.”

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

KAKAI BAUTISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with