^

Pang Movies

Matteo nanumpa sa Philippine Army

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Matteo nanumpa sa Philippine Army
Matteo Guidicelli

Sundalo na si Matteo Guidicelli. He has joined the Philippine Army base na rin sa Instagram post niya kahapon.

Nag-post siya ng larawan habang nanunumpa siya at pahayag niya sa caption, opisyal na siyang miyembro ng Philippine army.

“I officially joined the Philippine ARMY today because I love my country. I would like to thank the people that have been very supportive. Exciting times ahead.

“The rank is emplaced near their heart because it means only those who have the heart to serve will be fit to wear the uniform,” MGen Bernie Langub said. “It is beyond the uniform, it is all about willingness to serve the country and being prepared for any eventuality,” ang caption ni Matteo.

Sa larawan ay makikita ring naka-military uniform na siya.

Proud na proud naman ang kanyang mga fans at pinuri ang kanyang katapangan at pagmamahal sa bayan.

For sure, proud na proud din si Sarah Geronimo sa boyfriend, di ba naman?

Enrique laging abonado sa mga ginawang pelikuka

Habang nakapahinga sa pulitika ay nagtayo ng produk­syon ang dating Mayor ng Pandi, Bulacan na si Enrico Roque. Itinatag niya at mga kasosyo ang Cineko Productions at first movie nga nila ang Mang Kepweng Returns noong 2017.

Ngayon ay marami-rami na rin silang nagagawang movies. Nakatakda na nilang ipalabas ngayong Mayo ang Man And Wife na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria and Gabby Concepcion. Ginagawa naman nila ngayon ang Black Lipstick starring Kyline Alcantara.

Nag-e-enjoy naman siya sa pagpo-produce?

Natawa si Enrico. “Nag-e-enjoy ba tawag du’n? Parang ‘yang tanong na ‘yan ang hindi ko kayang sagutin.”

Nag-e-enjoy naman daw siya pero siyempre, matagal din kasi ang balik ng kita ng pelikula kaya abono lagi ang ginagawa niya.

Ngayon ay muling tumatakbo si Enrico bilang Mayor sa Pandi, Bulacan pero ang intriga, ayaw daw magpunta ni Phillip Salvador sa kampanya niya dahil ayaw nitong makita si Bulacan Vice Governor Daniel Fernando na kapartido niya.

Pero tinawanan lang ni Enrico ang intriga. Wala naman daw problema sa friendship nila ni Kuya Ipe at magkaibigan pa rin sila.

Paano sila nagkaayos ni Daniel?

“Dati naman kaming magkatiket. Nagkataon lang na noong 2016, nagkahiwalay kami. Magkasama kami noong 2010 and 2013 elections. Hindi lang kami nagkasama noong 2016 because of Kuya Ipe,” aniya.

Matatandaang tumakbo si Kuya Ipe noong 2016 bilang Vice Governor ng Bulacan at tinalo siya ni Daniel na siyang incumbent that time.

Bong magpapahinga muna

Ngayong Holy Week, time out muna sa pangangampanya of course si Bong Revilla dahil magtutungo sila ng buong pamilya sa Boracay na taun-taon nilang ginagawa bago pa man siya makulong.

Four years ding natigil ang tradisyon na ito ng pamilya dahil nga sa pagkakakulong ni Bong kaya ngayon ay itutuloy na nila ito ulit.

“Ngayong lang kami magsasama-sama ulit dahil siyempre, during the campaign, wala eh. Simula nang lumabas ako, talagang wala,” sey ni Bong nang makausap namin last Sunday sa proclamation rally ni Enrico Roque, ang sikat na may-ari ng Amana Waterpark at tumatakbong muli sa pagka-Mayor sa Pandi, Bulacan.

vuukle comment

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with