^

Pang Movies

Edward magso-solo sa pagbibida

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Edward magso-solo sa pagbibida
Edward Barber

Eksaktong isang linggo na after ko mahulog sa hagdan sa building na kung saan ay nag-oopisina ang Philippine Movie Press Club (PMPC).

Isang linggo yun na kung saan ay nanatili akong bedridden dahil puno ako ng sugat at pasa sa aking mga paa. Konting galaw ay nagdurugo ang aking mga sugat. Hindi rin ako makatayo at makalakad, bugbog ang aking mga tuhod, dahil I fell down on my face. May malaking sugat ang aking kanang pisngi. May konti akong clot na salamat sa Diyos ay magagamot ng panahon. But I have to exercise my brain regularly. But above all, I’m on the road to recovery. Heto nga at nakakasulat na ako despite of my two broken thumbs,

Isa sa nagbigay ng kasiyahan sa akin in my hours of recovery ay ang panonood ng TV. Ilang ulit akong pinaiyak ng kabutihan ni Luis Manzano sa dalawang senior citizens whom he gifted with two tricycles and one sari sari store sa Minute to Win It. Hindi na ito bago dahil madalas niya itong gawin sa mga kalahok ng I Can See Your Voice na ikinapaproud ng kanyang  inang si Cong. Vilma Santos-Recto.

Bumalik na ang kagandahan ng Halik na dalawang linggo na lamang. Sayang namiss ko yung farewell/celebration presscon ng series. I would have loved to find out kung totoo ngang  naging mas mataray pa ngayon si Yam Concepcion dahil sa ginagampanan niyang role sa series. Sana hindi dahil mas nakilala pa siya at nahasa ang acting because of it.

Ang kahanga-hanga ay si Edward Barber ng MayWard. Kung inaakala ng lahat na mapapagiwanan na siya ni Maymay Entrata dahil umaarangkada na ito sa fashion world ay ginulat niya ang mga observer and follower ng local showbiz dahil bigla siyang magbibida sa isang serye ng ABS-CBN, ang Kambat na kung saan ay makakatunggali niya si Grae Fernandez hindi lamang sa role kundi maging sa interes ng mga manonood.

Makakaya ba niyang maitawid ang kanyang role sa baluktot niyang Tagalog? His fans at maski na si Maymay are hoping na makagawa siya ng magic para mapagtagumpayan ang kanyang bagong challenge. Pero kung si Maymay ay desididong magtagumpay, ganundin ang ka-loveteam niya, magkasama man sila o hiwalay.

Marian at Dingdong may isang pares na

Ni hindi man lamang tayo nainip na isisilang na pala ni Marian Rivera ang pangalawang anak nila ni Dingdong Dantes. Bukas makalawa, ay nagpapaseksi na naman ito. But then,kahit naman nung buntis ito ay nagpaseksi ito. Lalaki ang isisilang niya. Sino ang magsasabing hindi sila maswerte ng kanyang asawa. May isang anak na sila, at ngayon nga isang lalaki.

With Zia Dantes seemingly following in their footsteps, mayro’n na silang tagapagmana ng korona.

Iza suwerte

Kakatuwa naman itong si Iza Calzado, ang dami-dami nangangarap ma­ging magulang pero, siya nagawa pang ipa-freeze muna ang kanyang eggscells  hanggang sa panahong kaya na niyang magbuntis. Kung sabagay gusto lang niyang magpaka-safe. May edad na siya at lumampas man siya sa gulang na hindi na niya kakayaning magdala ng sanggol sa kanyang sinapupunan, magkakaanak pa rin siya, sa tulong ng isang surrogate mother. Just like Korina Sanchez-Roxas na ikinaliligaya ng lahat na ginawa ang kanyang ginawa, magka-anak lamang.

Missing Visita Iglesia...

Holy Tuesday na. I will be missing my Visita Iglesia, my Station of the Cross, yung maraming nakaugalian kong pagdiriwang ng Mahal na Araw. Sa loob ng kuwarto ko na lamang ko ito gagawin, Isang mapayapang Holy Week sa lahat.

vuukle comment

EDWARD BARBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with