^

Pang Movies

Shaira walang karanasan sa matanda

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Shaira walang karanasan sa matanda
Shaira Diaz

Bukod sa Love You Two, nag-audition pa pala si Shaira Diaz sa teleserye na Sahaya.

Kung saan daw siya mapunta, ipapasalamat daw niya iyon sa Diyos.

“Thankful ako sa GMA-7 dahil sa pinagkatiwala nila sa akin ang role na ito. To work with both Gabby Concepcion and Jennylyn Mercado, parang ang laking bagay nito sa akin at sa career ko. Second teleserye ko pa lang ito for GMA pero ang laki ng binigay nila sa akin.

“Iniisip ko nga na baka mas deserving ang ibang nag-audition pa for my role. Pero kung sa akin binigay ito ni Lord, pagbubutihan ko. I will really work hard for it,” ngiti pa ni Shaira.

Na-challenge nga raw si Shaira sa role niya as Sam na mai-in love sa lalakeng malaki ang agwat ng edad sa kanya.

“Wala pa naman akong experience of falling in love with a guy twice my age. ‘Yun po ang challenge. Ano ba ang personality ni Sam at bigla siyang nabaliw sa lalakeng puwede na niyang maging daddy in real life, ‘di ba?

“Kaya inaral ko ang character ko and with the help of Sir Gabby, naging maayos ang lahat.

“Tapos si Direk Irene (Villamor), ang husay din sa pag-guide sa character ko. So ang gaan talaga. Walang nase-stress sa amin sa set,” pagtapos pa ni Shaira Diaz.

Taylor Swift may pa-singsing na sa kanyang 26

Binulabog ni Taylor Swift ang kanyang 115 million followers on Instagram dahil sa pag-iba niya ng profile photo. Nilagay niya rito ay photo ng pastel sky and clouds. Tapos ang nilagay niya sa bio ay numero na 4.26.

Nag-post din ang Grammy award-winning singer and songwriter sa IG ng photo ng isang heart-shaped diamond-studded brooch. Ang caption niya ay ang numero na 4.26. Nakakuha ito ng 1.3 million likes.

Ang next post niya ay ang mga daliri na may suot na mga nagkikislapan na mga singsing. “4.26” din ang caption niya at nakakuha na ito ng 865,000 plus likes na.

Hula ng netizens ay ito na ang countdown para sa bagong pasabog na music ni Taylor

vuukle comment

SHAIRA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with