^

Pang Movies

Jessy mali ang atake sa career!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Jessy mali ang atake sa career!
Jessy Mendiola

Kaya laging semplang ang pelikula

Hindi sa pakikialam ha, pero naniniwala kaming dapat siguro baguhin ang diskarte sa career ni Jessy Mendiola. Hindi natin maikakaila ang kanyang potentials. Maganda siya at marunong namang umarte. Medyo mali nga lang yata ang mga nasasamahan niyang mga pelikula lately dahil lahat ng mga iyon ay sunud-sunod na bumabalibag sa takilya.

Siguro ang isang bagay na kailangan nilang bigyan ng consideration ay ang mga artistang dapat niyang makasama sa pelikula. Maliwanag ngayon na hindi pa ganoon katindi talaga ang kanyang hatak sa box office. Ang dapat sanang makakasama niya sa mga pelikula ay iyong mga leading man na medyo may hatak naman. Kung pareho silang mahina, babalibag nga ang pelikula. Lalabas na kawawa si Jessy dahil sasabihin naman nila, wala siyang pelikulang kumita.

Gabby laging walang oras sa demanda ng kapatid!

This time, mismong si Mike Concepcion na ang humarap sa isang interview at nagsalita tungkol sa naging problema nila ng kanyang kapatid na si Gabby Concepcion.

Inamin naman ni Mike, hindi niya gustong umabot sa demandahan ang kanilang usapan. Hindi rin naman daw gusto ng kanilang inang si Lourdes Concepcion na umabot pa sa ganyan ang usapang iyan. Ang gusto lang nila ay makipag-usap sa kanila si Gabby tungkol sa problema nila sa lupang minana ng kanyang ina. Ang bintang nila, nailipat ni Gabby sa pangalan niya ang lupa, at naipagbili. Iyong lupang iyon ay tinatayuan ngayon ng building ng isang eskuwelahan sa tabi ng kanilang bahay.

Lahat na raw ng pagsisikap ginawa nila, simula nang magbalik siya sa Pilipinas noon pang Nobyembre noong nakaraang taon, pero ni minsan ay hindi siya kinausap ni Gabby na laging busy at hindi nila malaman kung nasaan talaga.

Sinasabi naman niyang kahit ngayon, maaari silang mag-usap at pagkatapos noon ay wala na rin namang problema, ang iginigiit lang ni Mike, may karapatan pa rin ang ibang kapatid nila ni Gabby sa lupang iyon. Kailangan naman ibigay sa kanila ang kanilang bahagi at tapos na ang usapan.

Iyan nga ang isang issue na tila iniiwasan ding sagutin ni Gabby sa interviews sa kanya, na karapatan naman niya dahil personal nga iyan at ang concerned lang naman ay ang pamilya niya. Kaya lang dahil artista siya, hindi maiwasang mapag-usapan ang problema, sagutin man niya o hindi. Wala namang nagsasabi kung sino ang tama o mali. Ang kuwento lang, idenemanda siya ng kanyang kapatid at kung ano man ang kalalabasan noon, ang korte ang magpapasya kung hindi sila magkakasundo.

Pero kung ang problema nga ay maaayos naman nila sa loob ng kanilang pamilya lamang, bakit pa nga ba kailangan pang pahabain iyan at dalhin pa sa korte? Ang gusto lang naman nila ay makipag-usap sa kanila si Gabby?

Concert ng isang artista sa abroad, hindi tinao!

Isang kaibigan namin mula sa abroad ang nagpadala sa amin ng isang hindi magandang feedback sa reception ng mga tao sa ilang performances na ginawa roon ng isang artista. Ang kanyang sabi, “hindi naman tinao ang shows niya”.

Pero siyempre, hindi naman nila aaminin iyan. Pagdating dito, ang ikukuwento nila ay malaking hits ang kanilang shows. Napakahirap aminin ng isang performer na malamig na nga ang kanyang popularidad. Pero isang mapait na katotohanan na kahit na nga sikat ka, darating ang isang araw na mawawala rin ang popularidad mo. Natural iyon dahil tumatanda na rin ang fans.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with