^

Pang Movies

Janine at Rayver panay ang date

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Janine at Rayver panay ang date
Rayver at Janine

Alam mo, Ateng Salve, never pa ako nagpunta sa Power Plant Mall sa Rockwell, Makati City na wala akong na-sight na celebrity.

Kahapon, habang pababa ako ng escalator ay nakita kong naglalakad ang rumored-sweethearts na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.

Biniro ko pa ang dalawa na kunwari ay kinukunan ko sila ng video at sinabi kong, “Huli kayo!”

Tatawa-tawa lang sina Janine at Rayver.

Hindi ko na sila inusisa pa tungkol sa kanilang relasyon dahil sinasabi naman nila na wala pa talagang “label” ‘yon.

Nakipagtsikahan na lang ako sa dalawa.

“Ay, bongga ‘yung show n’yo sa Brooklyn on May 11, maganda ang feedback,” sabi ko sa kanya dahil kagagaling ko nga lang sa New York at na-interview ko tungkol doon ang taga-GMA PinoyTV na si Ms. Grace Labaguis.

“Talaga, Tito Jun, nice naman,” reaksyon niya at sinabing sa May 7 pa ang alis nila papunta roon.

Sabi naman ni Janine, wala pa silang plano ngayong Holy Week.

Naikuwento ko naman sa kanya na biglang hindi natuloy ang alis ng uncle niyang si Richard Gutierrez kasama si Sarah Lahbati at Zion noong Saturday afternoon.

“Naku, panay pa naman ang post ni Sarah ng things na ginawa niya bago sila mag-travel. Bakit hindi po natuloy?” tanong ni Janine at ikinuwento ko nga na kailangan pala na 72-hour before the flight na ang pagkuha ni Sarah ng ESTA.

Ang ESTA (Electronic System for Travel Authorization) ay automated system that determines the eligibility of visitors to travel to the United States under the Visa Waiver Program (VWP). Authorization via ESTA does not determine whether a traveler is admissible to the United States. U.S. Customs and Border Protection officers determine admissibility upon travelers’ arrival.

Dual citizen kasi si Sarah (Swedish/Filipino). Ang mga Swedish, hindi na kailangan ng visa kapag bibisita sa USA, pero kailangan nga mag-apply online ng ESTA.
So napurnada ang alis nilang dalawa noong Saturday at rebooked na sila for Thursday.

“Sayang naman,” sabi ni Janine nang malaman na may hotel bookings ang grupo na nasayang dahil hindi nga kaagad nakaalis.

Dahil mahaba na ang tsikahan namin, nag-dialogue ako sa dalawa ng, “Naku, aalis na ako, kaya ituloy n’yo na ang date nyo!”

Kapwa natawa na lang sina Janine at Rayver sa sinabi ko.

Lorin kitang-kita na ang hubog ng katawan

Sunud-sunod ang text sa akin kahapon ni Ruffa Gutierrez tungkol sa Thailand vacation nila ng mga anak na sina Lorin at Venice.

Sabi ko kasi kay Ruffa, marami ang nagsasabing sobrang sexy na ni Lorin at parang dalaga na talaga, samantalang sa August 3 pa lang ito magsi-16.

Siyempre, proud mom si Ruffa.

Samantala, text ni Ruffa, “We’re here sa Koh Samui Thailand for pre Easter and half term break of kids from school (international school nag-aaral ang kanyang mga anak).

“We will be here in Koh Samui for 4 days then 2 days in Bangkok.

“It will be lorin and VENICE’s first time to visit Bangkok and our first time to Koh Samui.

“We love the THAI food.

“We have sweet escape shoot later today. Will send you more pics,” text pa niya.

Madalas kong sabihin kay Ruffa na kahit sinasabi ni Lorin na studies ang priority nito ay hindi imposibleng ma­ging beauty queen din si Lorin, huh!    

Rio bata pa ring tignan kahit 58 na

Last week din ay nakita ko sa mall na ‘yon ang kinda veteran actress na si Rio Locsin.

In fairness, ang bata pa rin ng hitsura ni Rio, huh!

Ang alam ko nga ay mag-58 na siya ngayong May 22.

Maalaga talaga siguro si Rio sa kanyang hitsura.

Ang maganda pa nga pala kay Rio ay ‘yung PR niya. Siya talaga ang unang bumabati kapag nakikita niya ako kahit hindi naman ako formally introduced to her.

Anyway, dahil madalas mapag-usapan ngayon ang Darna movie dahil sa pagre-resign doon ni Liza Sobe­rano, naalala ko na gumanap din sa character ng nasabing superheroine at sa nakita kong footage ng Bira, Darna, Bira na pinagbidahan niya, ang sexy niya bilang Darna, huh!

Teka! Wala bang balak isama ng Star Cinema sa nasabing project si Rio?

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

RAYVER CRUZ.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with