^

Pang Movies

PinaSaya kakaiba ang gagawin sa Palm Sunday

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Today is Palm Sunday. Ito ang hudyat ng pagsisimula ng isang linggong paggunita ng Holy Week, ang paghihirap ng ating Panginoong Hesus. Kaya naman naiiba ang pagtatanghal ng noontime musical variety show na Sunday PinaSaya na mapapanood ng mga Filipino viewers around the world. Bilang pangingilin ng show, itatampok si Ms. Gina Pareño sa isang live-on-stage drama special na may titulong Madramarama Presents: Nanay,

Ayon sa producer ng show, si Rams David, gagampanan ni Gina ang role ni Nanay Maria na may taning na ang buhay pero hiling niyang bago siya mamatay gusto niyang makasama ang mga anak na sina AiAi delas Alas, Jose Manalo, Joey Paras at Carla Abellana para maayos na ang matagal nilang hindi pagkakasundu-sundong mag-iina. Hindi alam ng mga anak ni Nanay Maria na may taning na ang buhay niya maliban sa dalawang adopted niyang sina Wally Bayola at Barbie Forteza. Sila ang gagawa ng paraan para muli silang magkasama-sama. 

Ang dramarama ay tatalakay sa forgiveness at reconciliation, sa kabila ng struggles ng bawat isa, ang pagmamahal ay siya pa ring mangingibabaw

Ang show ay magiging homecoming din sa ating Miss Saigon star na si Aicelle Santos, na magpaparinig ng medley of inspirational songs kasama sina Maricris Garcia at Julie Anne San Jose. Special guest din si Gabby Concepcion at may one-on-one rap battle sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz ng Kara Mia, na referee nila si Pambansang Bae Alden Richards. Ipi-perform naman ni Rapper Allmost ang new hiphop-based segment na Dalaga with the male cast ng show.

Ang Sunday PinaSaya ay napapanood from 12Noon to 2:30pm sa GMA-7.

Clint todo pasasalamat kay Jennylyn

Paulit-ulit na nagpasalamat si male model-turned actor and Filipino German na si Clint Bondad kay Jennylyn Mercado na siya raw reason kung bakit siya nasa GMA Network at kasama sa tele-pelikulang Love You Two romantic comedy series. Mukhang starstruck din si Clint kay Jennylyn na una niyang nakasama nang mag-guest sila sa isang episode ng Dear Uge.

Ipinapanood na sa mediacon ang pilot episode ng romcom at sabi nga, nakakakilig ang mga eksena nina Jen at Clint na siya munang may relasyon at sweetness overload daw, bago makikilala ni Jennylyn as Raffy ang magiging boss niya sa hotel, si Jake (Gabby Concepcion).

Maraming nagsabing pwede na sa acting for a beginner si Clint at baka sumikat siya kung paghuhusayin lamang niyang mag-aral ng Tagalog.  Practice-practice raw siya, kaya raw naman niyang matutunan ang Tagalog.

Nabigo lamang ang entertainment press na makausap si Clint tungkol sa personal life nito at tungkol sa dating girlfriend, si Miss Universe Catriona Gray.

May world premiere ang Love You Two sa April 22, sa primetime tele­babad ng GMA-7.

vuukle comment

PALM SUNDAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with