^

Pang Movies

Gabby nag-feeling bagets kay Jennylyn

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gabby nag-feeling bagets kay Jennylyn

Balik romantic-comedy si Jennylyn Mercado sa GMA-7 primetime pagkatapos ng mystery-action drama niyang The Cure last year. Na-miss ng aktres ang ganitong genre kaya excited at happy siya sa pagsisimula ng Love You Two teleserye kung saan, for the first time ay katambal niya si Gabby Concepcion.

“Excited ako na makagawa ulit ng rom-com,” sey ni Jen sa ginanap na presscon for Love You Two last Thusday. “Kasi, pagkatapos ng My Love From the Star, nag-Cure ako, action. Tapos, ngayon na bumalik ako sa rom-com, eto ‘yung parang comfort zone ko. ‘Yung ang sarap magtrabaho kasi ang saya, tapos ang saya pa ng mga katrabaho ko.

“Si direk (Irene Villamor), ang gaan katrabaho. Laging nagbibiro, ganyan. Tapos kami lahat, parang magbabarkada lang. So, lalong mas napagaan ‘yung trabaho.”

Ayon kay Jen, sobrang kabado siya to be working with Gabby pero at the same time ay excited din.

“Nun’g naglu-look test pa lang kami sa pictorial, hindi ko masabi ‘yung character name niya sa sobrang nerbyos ko. Kasi siyempre, isa si kuya Gabby sa mga tinitingala nating aktor, di ba?

“So ngayon, nakakatrabaho ko na siya, eh iba talaga ‘yung pakiramdam,” aniya.

Nang makatrabaho raw niya si Gabby, she learned na mabait daw pala ito, napakamaalaga, gentleman at professional.

Thankful naman si Gabby sa GMA-7 sa pagbibigay sa kanya ng serye na sey nga niya, puro bata ang kanyang kasama.

“Masaya ako, talagang nag-enjoy ako, para lang akong naglalaro, especially pag kasama ko na sina direk (Irene Villamor), mga bagets. Feeling introducing. Enjoy ako. Wala na akong ibang pwedeng hilingin pa. I’ve nothing to complain and everything is to be thankful for,” pahayag ni Gabby.

Bukod kay Jen, kasama rin sa Love You Two sina Shaira Diaz, Sheena Halili, Kiray Celis, Solenn Heussaff, Nar Cabico, Michelle Dee at marami pang iba. Introducing din ang newest Kapuso na si Clint Bondad na as we all know ay ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Magsisimula na sa April 22 ang Love You Two after Sahaya on GMA Telebabad.

Gabby hindi sinagot ang demanda ng kapatid, Clint iwas magsalita sa pakikipaghalikan sa iba

After ng Q&A sa Love You Two presscon ay umalis na agad sina Gabby at Clint and hindi na nagpa-interbyu. Ang dami pa namang gustong itanong ng entertainment press sa kanya.

Si Gabby ay may issue nga na idenemanda siya ng kanyang nakababatang  kapatid dahil sa lupa. Si Clint naman, gustong malaman ng press kung may bago na ba siya girlfriend lalo’t spotted siyang may hinahalikang girl sa isang bar few days ago.

Sa Q&A ay nagpasalamat si Clint kay Jennylyn na siya raw dahilan kung bakit siya nandito sa GMA-7.

“Nakapasok ako sa GMA-7 dahil sa Dear Uge episode namin. ‘Yung experience ko diyan sa Dear Uge, naisip ko, ‘ang ganda naman ng GMA, puwedeng-puwede pala,’” cool pa si Jennyly at nagustuhan ko ‘yung theme.

For me naman, I’m always excited naman sa lahat ng ibinibigay sa akin, pero ito naman, mas excited pa ako dito kasi masaya ako dito talaga.

“So, maraming salamat sa GMA, maraming salamat sa lahat ng ibinibigay n’yo sa akin, hindi ko alam kung bakit ibinibigay sa akin, but thank you very much,” sabi ni Clint.

In fairness naman sa newbie actor, sa nakita naming acting niya sa pilot episode na ipinanood din sa press nang gabing ‘yun, nakakaarte naman siya at maganda rin ang rehistro niya sa screen.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with