^

Pang Movies

JM nasa healing process pa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
JM nasa healing process pa

Sana naman huwag munang ma-in love uli si JM De Guzman.

Hindi ba ang mga balita noon, ang love ang dahilan ng kanyang depression kaya naging addict siya?

Hanga ako kay JM dahil ilang beses na nadapa pero muling nakakabangon dahil mahusay na aktor at ang balita ko, mabait siyang tao.

Nali-link ngayon si JM kay Ria Atayde pero sana longer pa ang healing process niya para emotionally strong at mentally capable na siya na pumasok sa isang bagong relasyon.

Kung gusto naman niya ng romance, sana ‘yung talagang handa na siya, matibay na kung sakaling magkaroon ng mga problema na hindi naiiwasan.

I think fragile pa ang emotional state ni JM. Baka hindi pa panahon para magkaroon siya ng bagong relasyon.

Masaya si JM na maligaya si Jessy Mendiola sa piling ni Luis Manzano na isang patunay na unti-unti nang tumitibay ang puso niya pero kailangan pa rin na maging mas matibay.

Si JM ang isang ehemplo para sa lahat na nawala sa matuwid na landas pero nagawa na makaahon at maging maayos dahil sa sariling kagustuhan niya.

Si JM din ang patunay na kapag may talento ka mahirap na mawala dahil tiyak  na hahanapin siya ng kanyang mga taga-hanga.

I pray he will be totally healed dahil nga sa nakikita at naririnig ko na mabait siya na tao kaya hindi nasasayang ang ibinibigay sa kanya na mga pagkakataon.

Gabby na-master na ang pag-iwas

Nabigo ang karamihan sa entertainment writers na mainterbyu si Gabby Concepcion sa grand presscon ng Love You Two sa GMA Studio 7 noong Huwebes dahil nag-babu agad siya.

Gustung-gusto pa naman ng mga reporter na mainterbyu si Gabby tungkol sa mga isyu na kinasasangkutan nito tulad ng demanda laban sa kanya ng kapatid niya si Mike Concepcion.

I’m sure, type rin ng mga reporter na malaman ang reaksyon ni Gabby sa tsismis na hindi na talaga makikipagbati sa kanya ang ex-wife niya na si Sharon Cuneta.

Sa true lang, na-master na ni Gabby ang pag-iwas at hindi pagsagot sa mga kontrobersya na nadadamay siya.

Kadalasan, dinadaan niya sa biro ang kanyang mga sagot tulad ng nangyari sa presscon ng Love You Two. Pabiro ang karamihan sa mga sagot ni Gabby sa mga tanong kaya nagsalita ang entertainment press kung alin sa kanyang mga sinabi ang dapat seryosohin.

Michelle Dee nangingibabaw ang ganda

Gandang-ganda kay Michelle Dee ang mga dumalo sa presscon ng Love You Two. Iisa ang kanilang reaksyon, beauty queen material si Michelle pero hindi yata ito interesado na sumali sa mga beauty pageant.

Sa mga nagtatanong ng “the who?”, si Michelle ang bunso sa dalawang anak ng ex-couple na sina Melanie Marquez at Derek Dee.

Nag-umpisa si Michelle bilang model at eventually, pumasok sa showbiz tulad ni Melanie na sikat na international model noong kapanahunan nito.

Obvious na minana ni Michelle mula kay Melanie ang hilig nito sa showbiz at modelling. Isa lang ang hindi namana ni Michelle, ang pagsali sa beauty contest na ginawa noon ni Melanie at naging daan para matupad ang lahat ng pangarap ng kanyang ina.

Nag-win si Melanie na Miss International noong 1979 at naging finalist sa Ford Supermodel of the World sa New York noong 1986.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with