^

Pang Movies

Biglang nawala sa presscon, Sam isinugod sa ER

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Biglang nawala sa presscon, Sam isinugod sa ER
Sam Milby

Alam mo, Ateng Salve, nakakabilib itong si Sam Milby.

Puwede naman siyang magdahilan na may sakit para hindi na pumunta sa thanksgiving presscon ng primetime teleserye ng ABS-CBN, ang Halik, pero pinilit pa rin niya na magpunta roon kahapon.

Nasimulan pa ni Sam ang presscon, pero kinailangang mag-excuse ng aktor dahil sobrang sama na raw ng pakiramdam nito.

Bandang 5:30PM ay tinext ko ang big boss ng RSB Drama Unit na si Direk Ruel Bayani at tinanong ko siya kung kumusta na si Sam?

“Tinakbo kasi sa ER ng St. Luke’s kaya umalis na si Sam sa presscon kanina ng Halik.

“Sobrang sama na talaga ng pakiramdam niya. Nanginginig siya, pero pinilit lang na pumunta sa presscon,” sabi pa ni Direk Ruel.

Samantala, sobra ang pagpapasalamat ni Direk Ruel dahil ang Halik daw ang pinakamatagumpay na series ng kanilang RSB Drama Unit.

Pero ‘yon nga raw, sobrang extended na ng Halik at dapat ay hanggang January na lang ang kaya nila, pero hindi pa rin talaga sila natapos at simula pa lang sa Monday ang last two weeks nila.

Oo nga pala, Ateng Salve, sa presscon lang kahapon ng Halik ko finally nalaman kung sino nga ba si Yen Santos at Yam Concepcion.

Kapag nanonood kasi ako ng Halik, nali­lito ako sa dalawang leading ladies ni Jericho Rosales dahil parang magkamukha sila.

Si Yen pala ‘yung mas matangkad at chubby at si Yam ‘yung mas maliit at medyo payat.

Mga interesado sa Darna inililihim na

Nasa Starbucks-Imperial Palace kami kahapon ng ilang entertainment press nang makita namin doon si Jak Roberto ng Kara Mia.

Hindi niya kasama ang girlfriend na si Barbie Forteza at hindi rin daw siya magdyi-gym sa malapit doon.

“May iba po akong lakad,” sabi ni Jak na mahilig pumunta sa coffee shop na ‘yon.

Nakita rin namin doon si Direk Frasco Mortiz na anak ni Direk Edgar Mortiz.

May meeting sila ng mga taga-Regal Entertainment movie para sa horror movie nina Maricel Soriano at Janella Salvador.

Gusto rin daw nilang i-cast doon si Carmina Villarroel.

Ikinuwento ni Direk Frasco ang istorya ng pelikulang gagawin at balak nilang isali sa Metro Manila Film Festival 2019 at interesting ‘yon.

Sana nga ay makapasok sa MMFF 2019 ang nasabing pelikula, huh!

Kasama rin nila sa meeting ang line-producer na si Lea Calmerin na siya ring line-producer ng Darna movie ng Star Cinema.

Nag-try akong magtanong sa kanya kung sinu-sino ang mga nag-audition na para sa Darna role after itong bitiwan ni Liza Soberano, pero dedma siya, huh!

Mukhang ayaw ipaalam ng mga taga-Star Cinema kung sinu-sino ang mga interesadong gumanap na Darna, ‘noh?!

Jana Victoria biglang naging conscious sa calories

Bago ako umalis ng nasabing coffee shop para pumunta sa presscon ng Love You Two ng GMA-7 ay dumating naman si Jana Victoria.

Pupunta raw kasi sana siya sa isang chiropractor clinic na malapit doon.

Tsika-tsika sa akin si Jana na kasama sa Love Thy Woman new teleserye ng ABS-CBN, kaya tinawagan ko ang manager niyang si Annabelle Rama para sabihing nandoroon ang new talent niya.

“Papunta na ako diyan, hintayin n’yo ako,” sey ni Bisaya.

Excited na nagtsikahan sina Bisaya at Jana tungkol sa bagong teleserye ng aktres.

“Maganda naman pala ang role mo, exciting,” sabi ni Bisaya kay Jana.

Si Jana naman, sobrang paghahanda ang ginagawa para sa Love Thy Woman dahil panay na ang diet and exercise.

“Alam mo naman si Tita, gusto niya palagi akong sexy. Hahaha!” sey ni Jana nang um-order ng pagkain ay tsinek talaga ang calories.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with