^

Pang Movies

Mag-iinang Sylvia, Arjo, at Rita, sinusuwerte!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Mag-iinang Sylvia, Arjo, at Rita, sinusuwerte!
Sylvia Sanchez

Hindi lamang ang mga anak niyang sina Arjo at Rita Atayde ang ratsada ang career ngayon kundi maging ang kanilang inang si Sylvia Sanchez. Kapapanalo pa lamang nito ng Best Actress sa isang pelikula niya na naging entry sa Sinag Maynila, ang Jesusa na hindi sa kanya unang inalok.

Nagkataon lamang na hindi nagkasundo ang produksyon at ng unang artista na inalok for the role kaya ito napunta kay Sylvia.

Catriona matangkad para sa Darna

At least mayroong bagong pagkakaabalahan ang local showbiz and observers dahil magsisimula na silang maghanap ng papalit kay Liza Soberano sa Darna.

Wagi sa survey ng Pilipino Star NGAYON Facebook Page si Miss Universe Catriona Gray na sa palagay ko naman ay over qualified for the role. Dapat siguro ay mga babaeng ‘di nila simbigat ni Pia Wurtzbach ang kunin, mga girl na medium sized lamang at hindi rin nila singtangkad.

Darna was conceived for the typical Pinay, hindi pang-beauty queen, mga karaniwang babae na nakikita lamang natin diyan sa tabi-tabi, maganda, nasa porma, physically fit pero, hindi mga malalaking babae na hindi makayang lumipad. Hindi pasado sa akin ang dalawang mga Miss Universe, baka pa ‘yung mga runners up nila.

Paolo dapat paalalahanan sa responsibilidad sa ibang anak

Para siguradong magtuluy-tuloy ang karera ng madyowang Paolo Contis at LJ Reyes, dapat maasikaso rin ni Paolo ang kanyang mga anak sa ibang babae. Sana ay maging tagapagpaalala nito si LJ. Responsiblidad niya ito. With the birth of their daughter Summer Ayanna, dapat ma-realize ni Paolo na may malaking responsibilidad pa siya sa iba pa niyang mga anak.

Daniel, nakaka-intimidate ang balak

‘Di kaya masamain ni Alden Richards ang gagawing pagbisita ni Daniel Padilla sa ka-partner nitong si Kathryn Bernardo sa shooting nila sa Hong Kong? Baka kasi makaapekto pa sa shoot nila at sa performance ng Pambansang Bae ang presence ni Daniel. Other actors will feel intimidated sa ganitong sitwasyon. Sana hindi si Alden.

vuukle comment

SYLVIA SANCHEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with