^

Pang Movies

Liza may ibang movie na

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Liza may ibang movie na
Liza Soberano

Kathryn at Nadine, umayaw sa Darna

Matapos mag-back-out sa Darna, may nakalaan nang project para kay Liza Soberano. Ito ang inanunsyo ng co-manager ng aktres na si Ogie Diaz sa teleradyo nila ni MJ Felipe na OMJ.

“Mayroon na kaming pitching for a teleserye, tapos another movie,” pagbabalita ni Ogie.

Dagdag pa ng comedian/talent manager/radio host, ang ganda raw ng movie na of course ay with Enrique Gil pa rin na ka-loveteam ni Liza.

“Ang ganda ng movie, nun’g iparinig sa amin ang istorya, na-excite sila ni Enrique,” sey pa ni Ogie.

Uunahin daw muna ang teleserye kaya for sure ay matutuwa na ang LizQuen fans na gusto na ulit silang mapanood sa TV after Bagani.

In-address din ni Ogie ang bashers ni Liza na nagsasabing “arte mo naman, daliri lang yan!”

“Ano ba ‘yang Darna? Putol ba ang kamay ni Darna?” sey ni Ogie.

Iminuwestra nga niya kung paano ang injury ni Liza na nakabaluktot nang kalahati ang daliri’t hindi maisara. Eh sa Darna pa naman, pagsigaw niya pa lang ng “Darna,” kinakailangang nakasara ang kamao dahil para siyang sumusuntok habang isinisigaw ito.

So, paano nga naman niya magagawa ‘yun kung hindi nito maibaluktot nang todo ang daliri?

At paano nga naman kapag fight scenes ni Liza na kailangan niyang manuntok?

May mga nagtatanong nga rin daw kung bakit hindi nila ipinakita ang injured finger, at sabi ni Ogie, “kami ang nag-decide na hindi ipapakita ni Liza ‘yung kanyang kamay kasi baka gawan ng memes.”

Anyway, sa ngayon ay open na ang auditions para sa bagong Darna at so far, sa mga pangalan na lumitaw ng choices ng netizens, nag-no na sina Kathryn Bernardo at Nadine Lustre base na rin sa panayam ni MJ Felipe.

Anne excited kay Park Bo Gum

Sobrang happy naman kami for Anne Curtis dahil siya ang magiging host sa first fan meet ng sikat na Korean actor na si Park Bo Gum dito sa Pilipinas

Masaya ring ipinost ni Anne ang magandang balita sa kanyang Instagram account at aniya, isa itong dream come true for her.

“It is indeed a GOOD DAY! So excited to announce that I will be the host of Park Bo-gum’s first “Encounter” in MANILA happening on APRIL 27 at the MOA Arena! We finally get to see @BOGUMMY live!!! Fan girl/boy dreams come true ito! Ito pa!!!!

“To thank his most loyal Filipino fans, Park Bo Gum will give Hi-Touch royalty and Good Day Manila official posters to all fan meet attendees! 50 lucky ticket holders will be randomly selected to be part of the press conference, and 40 other ticket holders will each receive an autographed official poster,” ang post ni Anne.

Napi-feel namin ang happiness ng aktres since kami man ay isa ring K-adik. Para sa isang K-pop and K-drama fanatic, sobrang big deal naman talaga ‘yung makita mo nang malapitan at makausap ang sinumang sikat na Korean star.

Si Gong Yoo ang fave K-actor ni Anne and for sure, ultimate dream niya ang mai-host ang fan meet nito sa Pilipinas.

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with