^

Pang Movies

Ken naluha sa mga papuri

Vir Gonzales - Pang-masa
Ken naluha sa mga papuri
Ken Chan

MANILA, Philippines — Sa isang panayam halos mangilid ang luha ni Ken Chan noong marinig ang mga papuri sa serye niyang My Special Tatay. Marahil daw kung nabubuhay si Kuya Germs ay panay ang blow out nito dahil sa tagumpay ng alagang si Ken. Marami ding nakakapansin mukhang totohanan na ang pagtitinginan nila ni Rita Daniela na apo ni Teroy De Guzman.

Pagtanggi nina Christopher at Tirso kay Nora marami ang nadismaya!

Maraming nadismaya sa naging kasagutan nina Christopher de leon at Tirso Cruz III noong may magtanong kung papayag ba silang gumawa ng reunion movie with superstar Nora Aunor mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Walang sense raw ang kasagutan ng dalawa at tipong nakakainsulto for Nora.

Dapat daw na malaman ng dalawa na kung hindi kay Nora, wala sila sa situation na kinaroroonan nila ngayon. And besides si Nora ay naging girlfriend daw ni Pip noong starlet pa lang ito.

Dating action star na si Abel Acosta, tatakbo rin

Tumatakbong konsehal ngayon sa Baliwag, Bulacan ang dating action star na si Abel Acosta a.ka. Tony Patawaran.

Marami na siyang nagawang movie noon, kasabayan niya sina Bong Revilla at Robin Padilla.

Hindi muna tumanggap si Abel ng offer sa mga teleserye para harapin ang darating na election.

Balita ring tatakbo muli ang dating mayor ng Baliwag na si Carol Delloza.

Marami ang natuwa at nananabik sa muling pagtakbo ng dating mayora, malapit kasi sa puso niya sa mga taga Baliwag lalo na sa mga mahihirap, marami na siyang naipagawa noon bago pa may nahalal na bagong mayor sa naturang bayan.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings to March born celebrants: Ms. Tina Monson-Palma, Ted Failon, Maritoni Fernandez, Susan Tagle, Ces Evangelista, Kim Idol, Yehlen Catral, Jennifer Cortez, Jelary Consulta na tiga-Bustos, Bulacan.

vuukle comment

KEN CHAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with