^

Pang Movies

Gerald at Bea hinuhulaang sa kasalan na ang ending

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Gerald at Bea hinuhulaang sa kasalan na ang ending

Kilig-kiligan ang fans nina Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil sa ginawang pagpapa-block screening ng aktor noong Wednesday para sa pelikula ng girlfriend, ang Eerie.

Sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ginanap ang pa-block screening at nag-attend silang mag-sweethearts.

Happy rin ang fans ng dalawa dahil talagang naglaan sila ng oras sa pakikipag-picture sa kanila.

May ibang mga celebrity kasi na nagpapa-block screening nga, pero hindi naman sila nagpupunta, huh!

Anyway, sobrang thankful si Bea sa ginawang ‘yon ni Gerald bilang support sa Eerie movie nila ni Ms. Charo Santos-Concio.

Actually, si Bea rin naman, pala­ging nakasuporta sa mga project ng boyfriend.

May mga nagsasabi nga pala na feeling nila ay mauuwi na sa kasalan ang relasyon nina Gerald at Bea.

Bagay na bagay ang dalawa at mukhang adjusted na talaga sila dahil lately ay walang nababalitaang nagkakaproblema sila sa kanilang relasyon.

Oo nga pala, ang sabi, naka-more than 45 million pesos na ang Eerie sa first week of showing nito, kaya nakakatuwa na may Tagalog movie na naman na nag-hit sa takilya, huh!

Snooky natutong mag-ipon sa BF

Birthday kahapon ni Snooky Serna at sobrang thankful siya sa maraming blessings na dumating sa kanya lately.

Dalawa ang pelikula niya ngayon, ‘yung Black Lipstick with Kyline Alcantara at may isa pa na si Joel Lamangan ang direktor at siya ang pinakabida.

Siyempre, may Sahaya pa siya sa GMA-7.

In fairness to Snooky, nagagawa na niyang ipunin ang mga kinikita niya ngayon at gone are the days na sobra siyang gastadora.

Aminado naman kasi si Snooky na noong araw, hindi pa man niya nakukuha ang kanyang suweldo sa kanyang mga project ay iniisip na niya ang mga bibilhin at halos wala talagang natitira sa kanya at madalas ay kulang pa nga.

Pero dahil sa boyfriend niyang si Ramon Villarama ay natuto na siyang mag-budget. Nakakapag-ipon na siya.

“Magandang influence talaga sa akin si Vice (tawag niya sa boyfriend dahil dati itong vice governor ng Bulacan). Marami siyang magagandang mga bagay na naituturo sa akin,” sabi pa ni Snooky.

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with