^

Pang Movies

Gary naawa sa misis ni Jim!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gary naawa sa misis ni Jim!

Hindi pabor si Gary Valenciano na i-broadcast pa ang pangalan ng mga artistang nasa narco-list or drug watch list and instead, mas gusto niyang mabigyan muna ng tulong ang mga ito mula sa gobyerno.

“Right now, I think there’s a whole list of people, more than artist na hindi rin alam ng ibang tao,” pahayag ni Gary V. nang makausap namin kahapon sa presscon niya with Jona and Katrina Velarde para sa kanyang US concert tour ngayong Abril.

“So, I think that in this case, if I were the government, I would exhaust all efforts to either help, rehab anyone that in involved in it, but they personally need to know your name, alam na ng government, because the government is also doing efforts to lessen the use of it.

“It’s important na rin siguro for people who are on the list to know that they are on the list but it doesn’t have to be (broadcasted). Because again, that doesn’t change anything, eh, it doesn’t change the practice, eh. Mas lalo pang itatago siguro,” patuloy ni Gary.

Naniniwala rin siya sa pagbibigay ng another chance sa mga taong ito at kailangan lang talagang mag-reach out ang gobyerno para mabigyan ang mga ito ng tulong.

Samantala, bilang OPM singer ay natanong din si Gary tungkol sa kinasangkutang kontrobersiya ng kapwa-singer na si Jim Paredes at ayon kay Mr. Pure Energy ay ikinalungkot din niya ito.

As we all know, kumalat ang video scandal ni Jim last April 1 at inamin naman niya ito kasabay ng paghingi ng paumanhin sa buong sambayanan.

“As an OPM singer, siyempre, malungkot ako sa nangyari sa kanya, but kung walang mga katulad ko ngayon na can tell him that “I’m still here for you and your family”, sino pa?

“Kung ‘yan ang mangyari sa akin, I would love to even have just one person who’d be able to come up to me and say, ‘you know what? Let’s go through this together.’” patuloy pa ni Gary.

“I don’t know kung paano siya makaka-recover dito, but those are the things na hard realizations. But I know that with me kasi, if God has given me chances before, what can’t I do the same for somebody like Jim Paredes who has touched many lives with the songs that he has written also. But he is not perfect,” he said.

When asked kung na-shock ba siya nang unang lumabas ang video at aniya lahat naman daw siguro ay na-shock pero hindi na raw niya pinanood pa ang vid.

Ayon pa kay Gary, gusto niyang makita si Jim at bigyan ng mahigpit na yakap.

“I would like to sit with him and just talk to him, maybe give him a hug and not only him but his family as well.”

Hindi pa lang daw niya nakakausap ang singer. “I know he needs time on his own. It’s something na medyo mahirap harapin, I know many people (are putting him down) pero ako, dahil alam ko rin ang mga pagkakamali ko sa buhay at nabigyan ako ng pagkakataon din na mag-apologize, I’ve been forgiven for many things also. So I put myself on that situation. I’m choosing to be there not just for him, kasi marami ang nagsasabi na ‘kawawa naman ‘yung misis niya.’ I know, that’s why I just wanna be there for them, not just for him.”

Samantala, sa wakas ay tapos na ang mahabang paghihintay sapagkat binubuksan ni Gary ang ikalawang quarter ng 2019 sa pamamagitan ng kanyang grand comeback sa international concert scene sa kanyang nalalapit na pinakahihintay na North American tour, na magaganap ngayong Abril, at ito ay pagdiriwang ng kanyang ika-35 na anibersaryo.

Kasama ang award-winning na musikerong si Mon Faustino bilang musical director at at kanyang mga espesyal na panauhin na sina Fearless Diva Jona at Suklay Diva Katrina Velarde, karapatdapat banggitin na ito ang kaunaunahang international concert series ni Gary matapos ang kanyang open heart surgery at matagumpay na laban sa kidney cancer nuong nakaraang taon, na itinuturing na isa sa pinaka-challenging na yugto sa kanyang buhay.

Ngayong nasa tiptop condition na muli si Gary at opisyal siyang binigyan ng mga doktor ng clean bill of health, muli nanamang i-coconquer ni Gary ang Amerika sa series na ito na pinamagatang He’s Back: Gary V US Tour.

Ang unang leg ng tour ay mangyayari sa Abril 12 sa Sam’s Town Hotel & Casino sa Las Vegas at susundan ito ng mga shows sa The Town Hall sa New York City sa Abril 14; sa Creative Arts Building Pittsburg High School sa Pittsburg, California sa Abril 20; sa Saban Theater sa Los Angeles sa Abril 21; sa Snoqualmie Casino sa Seattle sa Abril 26; at matatapos ito sa Morongo Casino, Resort, and Spa sa Morongo sa Abril 28.

vuukle comment

GARY VALENCIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with