^

Pang Movies

Matapos mabilhan ang tatay Joshua target ding i-cash ang dream house!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Matapos mabilhan ang tatay Joshua target ding i-cash ang dream house!

Malayo na nga ang narating ang ex-Pinoy Big Brother housemate year 2014-turned actor na si Joshua Garcia. Bukod sa isa siya ngayon sa pinaka-mainit among the crop of young stars, naipamalas din niya ang kanyang husay sa pag-arte na kanyang binalingan matapos lumabas sa popular house ni Big Brother.

Naranasan ni Joshua ang hirap magmula nang siya’y magkaisip. Ang kanyang mga magulang ay nagkahiwalay nang siya’y isang taong gulang pa lamang. Inaalagan siya ng kanyang ina na si Marife hanggang sa siya’y maging limang taong gulang at pagkatapos ay saka siya iniwan sa kalinga ng kanyang tiyuhin and eventually ng kanyang amang si Geo.

Dahil sa magandang takbo ng kanyang karera, nakapag-ipon si Joshua sa halos limang taon in showbiz kaya nabilhan niya ang kanyang ama ng isang three-storey townhouse na binayaran niya ng cash.

Si Joshua ay may isa pang kapatid sa kanyang parents pero may dalawa siyang kapatid sa mother side at tatlo pa sa kanyang ama.

Dahil sa sakripisyo na ginawa ng kanyang ama na mapalaki silang magkakapatid, gusto naman ni Joshua na mabigyan ng magandang buhay ang ama at mga kapatid.

Matapos mabilhan ang ama ng three-storey town house, nag-iipong muli si Joshua para sa kanyang magiging dream house na inaasahang niyang maisasakatuparan sa taong ito.

Nauna nang magkaroon ng kanyang dream house ang kanyang ka-loveteam at girlfriend na si Julia Barretto.

Sina Joshua at Julia ay parehong nasa pangangalaga ng Star Magic ng ABS-CBN.

Nanay ni Ate Vi cremated na

Nagluluksa ngayon ang pamilya ng Star for All Seasons at kinatawan ng Lipa, Batangas na si Cong. Vilma Santos-Recto sa pagpanaw ng kanyang inang si Gng. Milagros Tuazon-Santos nung umaga ng April 1, 2019 sa Mediatrix Hospital ng Lipa, Batangas kung saan siya na-confine sa loob ng isang buwan.  She was 93.

Cong. Vi and her eldest sister na si Emelyn took care of their mom. May tatlo pa silang kapatid – sina Sonny, Maritess at Winnie.

Ulila nang lubos si Cong. Vi at ng kanyang mga kapatid dahil nauna nang sumakabilang-buhay ang kanilang butihing ama na si G. Amado Santos na binawian ng buhay nung November 6, 1986, three days matapos ang kaarawan ni Cong. Vi.

Darating sa araw na ito ng Miyerkules, April 3 ang dalawang nakababatang kapatid ni Cong.Vi na naka-base sa Amerika na sina Maritess at Winnie. Sa araw ding ito ng Miyerkules ang simula ng huling pagpupugay kay G. Milagros Santos na cremated na at nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa darating na Sabado sa St. James, Alabang.

Ang mga buto ng yumaong ama ni Cong. Vi na si G. Amado Santos ay kukunin din para magkasama na sila ng kanyang mama.

Nagpapasalamat si Cong. Vi sa lahat ng mga nakiramay sa kanilang pagdadalamhati.

Pansamantala munang tumigil si Cong. Vi sa kanyang pangangampanya sa Lipa bilang reelektionista sa ikalawang pagkakataon bilang kinatawan ng Lipa, Batangas dahil gusto muna niyang ilaan ang kanyang oras sa kanyang namayapang mahal na ina.

Si Gng. Milagros Santos ay mother-in-law ni Sen. Ralph Recto at grandmother ng half-siblings na Luis Manzano at Ryan Christian Recto.

Mula sa amin dito sa Pang Masa, ang aming taos-pusong pakikiramay.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with