^

Pang Movies

Kaya dini-dedma Newcomer inggit na inggit sa young actress na katrabaho!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Clueless ang isang young actress (YA) kung bakit galit sa kanya ang newcomer na kasama niya sa isang teleserye. Sa simula pa lang ng teleserye, naramdaman na ni YA na ayaw sa kanya ng newcomer. Paano ba naman hindi mahahalata ni YA na hindi siya feel ng newcomer. Kapag dumarating ito sa set, lahat binabati at binebeso maliban sa kanya.

Iyon bang kahit mabungaran siya sa set, dinededma pa rin si YA ng newcomer at hindi kinakausap unless magkasama sila sa eksena. Hindi na tinanong ni YA kung bakit ayaw sa kanya ng newcomer, hinayaan na lang niya ang trip nitong dedmahan siya at hindi ibilang na kasama sa cast kahit ang isa sa mga bida ng teleserye.

Tinanong namin si YA kundi ba mahirap magtrabaho kung alam mong ayaw sa ‘yo ng kasama? Sagot nito, nagpapaka-propesyonal na lang sila, ‘pag magka-eksena, magkabati sila, off-cam, dinededma siya ng newcomer.

Insecurity ang nakikitang rason kung bakit dinededma ng newcomer si YA, pero dapat, sa halip na ma-insecure, galingan na lang niya ang trabaho niya at ang pag-arte para mahabol si YA na sunud-sunod ang project.

Christian nilinaw na ang isyung ayaw nang maging bading

Paglilinaw ni Christian Bables, hindi galing sa kanya ang pahayag dati na ayaw na niyang gumanap ng gay role pagkatapos maging si Barbie sa pelikulang Die Beautiful. Nagulat na lang daw siya nang maglabasan at masulat na hindi na siya tatanggap ng gay role.

Para patunayang mali ang balita, tinanggap ni Christian ang gay role sa pelikulang Panti Sisters kasama sina Paolo Ballesteros at Martin del Rosario. Produced ng The IdeaFirst ang movie na entry sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino sa direction ni Perci Intalan, producer at director (kasama si Jun Lana) na minsan, nakatampuhan ni Christian.

Sa tanong ng press kung bakit hindi niya agad kinorek ang balitang ayaw na niyang gumanap na gay role, sabi ni Christian, nilinaw niya, bagay na hindi maalala ng mga kausap na reporter sa presscon ng PPP.

Sabi nina Christian, direk Perci at direk Jun, naayos na nila ang isyu sa kanila, kaya masaya silang magtatrabaho. Siguro naman, pati ‘yung pagtatago ni Christian kina direk Jun at direk Perci nang magkasabay sila sa isang salon ay napag-usapan din nilang tatlo.

Ang tsika sa amin, nasaktan sina direk Jun at direk Perci nang malamang nasa salon din na pinuntahan nila si Christian, pero nang malamang dumating sila, hindi nagpakita at binilinan pa ang naggupit sa kanya na ‘wag sabihing naroon siya. 

Janine pinagseselos kay Julie Anne

Nakakatuwa ang fans nina Janine Gutierrez at Rayver Cruz dahil kahit walang isyu sa dalawa, pilit nilang magka-isyu. Ano ‘yun, para mag-away at mag-break sina Rayver at Janine?

Pinuna kasi ng ilang fans ng dalawa na madalang mag-like si Rayver sa pino-post na picture ni Janine at isang beses lang ni-like ni Rayver ang London photos ni Janine at hindi pa nag-comment.

Kawawa raw si Janine, loyal kay Rayver at walang nali-link na ibang guy. Samantalang si Rayver, kahit may GF na, nali-link pa rink ay Julie Anne San Jose.

May mga nagre-react na nga dahil magkasama sina Rayver at Julie Anne sa New York para sa Studio 7, natatakot ang fans nina Janine at Rayver na baka magkaligawan sina Rayver at Julie Anne habang nasa malayo sila. Baka raw pagbalik ng dalawa, sila na at ibi-break ni Rayver si Janine. O, di ba, ang advance mag-isip ng fans?

vuukle comment

CHRISTIAN BABLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with