^

Pang Movies

Jessy pumalag sa akusasyong lawlaw na boobs!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jessy pumalag sa akusasyong lawlaw na boobs!

Nakakaloka rin talaga ang body shamers/bashers na kung makapanlait ng artista ay akala mo kung sino silang perpekto. Kami ang nanggigil sa isang netizen na binatikos ang boobs ni Jessy Mendiola dahil sobrang foul naman talaga.

Nag-post si Jessy ng larawan niya sa Instagram na nakasuot ng swimsuit at diving suit at isang netizen ang nag-comment ng “bat lalaw na dede mo?” na ang ibig sabihin marahil ay lawlaw.

Hindi nakapagpigil si Jessy at sinagot ang basher.

“OA ka naman sa lawlaw,” sagot ni Jessy na may laughing with tears emoji, “ganyan ang normal na boobs hindi tayong-tayo.”

Good thing, nakatikim din naman ang basher ng sobrang panlalait mula sa mga supporters ni Jessy at deserve naman niya talaga ‘yun.

At in fairness naman to Jessy, nakakatuwa na marunong siya talagang lumaban sa bashers lalo na kung sobra na.

Na-hurt lang kaya nagpagawa Arci nagsisisi sa ginawang pagpaparetoke

Sobrang laugh trip ang entertainment press sa presscon ng Last Fool Show dahil sa tinuran ni Arci Muñoz na kaya siya pumangit ay dahil nasobrahan yata siya ng pagpaparetoke.

Napunta kasi ang usapan sa past heartaches na nalampasan niya. Simula niya, “kasi nga, may stages ‘yan. Pag una, pag niloko ka, siyempre, una, galit ka. Depression, may bargain ka pa, in-denial ka. So, after mo malampasan lahat ng stages na ‘to, it’s either mag-self-destruct ka… marami, maraming issues na ganyan ha? Nagse-self-destruct. Minsan, hindi nila kinakaya talaga, it’s sad really, they take their own lives. Maraming ganyang cases, romantic cases, di ba?”

Ang iba naman daw, kapag in pain ay mas lalong pinapabuti at pinagaganda ang sarili. At dito na nga pumasok ang pagpaparetokeng ginawa niya.

“Kaya nga yata ako pumangit, nasobrahan ako,” natatawa niyang pag-amin.

“Ang ganda-ganda ko kaya dati,” dagdag pa niya. Tawanan ang lahat.

Hirit naman ng leading man niyang si JM de Guzman, “bakit mo bina-bash ang sarili mo?”

Katwiran naman ni Arci sa kanyang pagpaparetoke, “kasi nga, alam mo ‘yun? Nun’g time na hurt na hurt ako, ‘ah, kailangan, ganyan.’ Ayan, tuloy. So it’s another lesson for me.”

Sa interview with Arci after the Q&A portion, inamin naman ng aktres na talagang napakaraming bashings ang natanggap niya during the height of plastic surgery issue at nagalit tuloy siya sa sarili sa pagpaparetoke.

Pero inisip na lang daw niya na baka may reason talaga kung bakit niya kinailangang pagdaanan ang ganung bagay. At ito ay para mag-set ng example sa iba pang babaeng gustong sumailalim under the knife.

Kasi ngayon daw, pag may nagtatanong sa kanya kung saan siya nagpagawa, talagang sinasabi raw niya, “girl, huwag.”

Kaya sey niya, “alam mo ‘yun, baka I’m like the best person for you to ask because I went through it.”

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with