^

Pang Movies

Jessy aminadong nabago ang ugali kay Luis

Joe Barrameda - Pang-masa
Jessy aminadong nabago ang ugali kay Luis

MANILA, Philippines — Malaking influence kay Jessy Mendiola ang boyfriend na si Luis Manzano. Si Luis daw ang gumabay sa kanya kaya nabago ang buhay niya. Maski sa pagnenegosyo at pakikitungo sa ibang tao ay nabago raw ni Luis ang pag-uugali niya. Hindi naman siya apektado sa mga basher na madalas niyang natatanggap. 
Sa pelikulang Stranded na pinagtatambalan nila ni Arjo Atayde under Regal Entertainment ay malaki ang pasasalamat niya na katambal kay Arjo. Hindi naman sila puwede ilink sa isa´t isa at open naman sa lahat na may kani-kanya silang karelasyon. Kaya maganda ang rapport nila bilang lead actors ng Stranded na sa title palang ay alam natin ang itatakbo ng story ng movie na sa April 10 na ipapalabas.

Samantala, hindi naman apektado si Arjo sa mga basher na pilit inaaway siya dahil sa pakikipagrelasyon niya kay Maine Mendoza. Wala raw siyang pakialam sa mga bashers at hindi siya nagbabasa o wa epek sa kanya. Kulang na lang isumpa niya mga bashers niya.
Basta focus siya sa trabaho niya bukod sa attention niya kay Maine na hindi naman puwedeng pagbintangan na kumakabit lang siya kay Maine dahil sa popularidad nito although hindi naman siya ganung kasikat.

Jeric nag-alala kay Migo

Hindi na ako nagulat sa kinahinatnan ni MigoAdecer na naaresto dahil sa hit and run at damage to government properties at fake license pa raw.

A few months ago ay nasaksihan namin kung papaano magpaharurot yan ng sasakyan mismo sa basement ng GMA. Nakatingin na lang kami ng kasama ko at ini-report ko ‘yan sa mga manager niya sa GMA Artist Center na pangaralan. Wala kasing gumagabay sa bagets since namumuhay siya mag-isa at nasa Australia ang parents niyan.
Nagulat kami at naapektuhan si Jeric Gonzales sa nangyari sa young actor. Nag-message siya sa akin at nag-aalala kay Migo at tulungan daw namin. Sabi ko, aalamin ko muna ang nangyari. Later on ay nagsalita na ang abugado ni Migo sa Saksi at sabi ni Jeric na ipagdasal na lang daw niya ang kaibigang actor.

Naging malapit pala sila ni Migo nung magsama sila sa Ika-5 Utos. Ganyan magmahal ng kaibigan si Jeric. Sa bagay, sa ilang buwan namin naging maging malapit na kaibigan ay never kami nakarinig diyan ng hindi maganda sa kapwa. Okay sa kanya lahat. Hindi daw niya ugali na manira o mamintas ng kapwa.

Lagi lang yan nakangiti. Kaya minsan naaabuso ng kapwa ang kabaitan niya.
Kaya naman mahal na mahal siya ng fans at hindi siya binibitawan kahit anong proyekto. No wonder na waging-wagi ang tandem nila ni Kyline Alcantara.

vuukle comment

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with