^

Pang Movies

Migo nakakuha ng suporta sa ginawang apology!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Migo nakakuha ng suporta sa ginawang apology!
Migo

Sinuportahan ng ilang Kapuso artists ang inilabas na apology ni Migo Adecer sa kanyang Instagram sa mga taong naapektuhan sa kontrobersiyang kinasangkutan niya nitong nagdaang mga araw.

Humingi rin siya ng apology sa mga awtoridad at ipinaliwanag sa kanila na wala siyang intensyong suwayin sila.

Ang ilan sa Kapuso artists na nagpahayag ng suporta kay Migo ay sina Rhian Ramos, Dave Bornea, Jason Abalos, Gil Cuerva at Matthias Rhoads.

Living alone sa Pilipinas ang artista ng Sahaya dahil ang parents niya ay nasa Australia.

Pangit man ang naging daan para umingay ang pangalan ng grand winner ng Starsruck 6, at least bukambibig na siya ng mga tao, huh!

Sen. Angara love ng LGBT

Tumodo si Mother Ricky Reyes sa paglalahad na love ng LGBT community si Senator Sonny Angara.

Take note, hindi lang sa salita itinutulak ni Mo­ther Ricky ang kandidatura ni Angara dahil sa isang national tour ng Filipino Hairdressers Association o Fil-Hair sa Bulacan kamakailan, ikininampanya ng beauty guru sa mga supplier at beauty trade practitioners si Sonny.

Naging matibay ang friendship nina Mother Ricky at Senator Sonny mula nang maging supporter siya ng Child Haus Manila. Palagi kasi siyang may outreach project taun-taon lalo na pag Pasko. Kaya deklara ni Mother, “Love si Senator Sonny ng LGBT community!”

vuukle comment

APOLOGY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with