^

Pang Movies

L.A. Santos binagayan ng kanta ni Imelda Papin

Virgie Balatico - Pang-masa
L.A. Santos binagayan ng kanta ni Imelda Papin

MANILA, Philippines — Sa totoo lang, abot-tainga ang kasiyahan ng guwapong singer na si L.A. Santos sa contract signing niya kamakailan sa Star Music bilang pinakabagong recording artist nito.

Sa tulong na rin ni Imelda Papin, ang Jukebox Queen, personal na pinili ni Imelda si LA para siya ang mag-revive ng pinasikat nitong kanta na Isang Linggong Pag-Ibig.

Sa presscon/contract signing ni L.A., pinarinig nito ang millennial version ng Isang Linggong Pag-Ibig.

Sa totoo lang ay bumagay sa kanya ang kanta at nabigyan niya ito ng justice. Kaya naman hindi kami magtataka kung maghi-hit ito dahil nakaka-LSS (last song syndrome) naman talaga ito.

Sinabi ni Mel Papin na taong 1992 pa unang narinig ito at talaga namang sumikat, pero ngayon lang siya na-convince na may magre-revive ng pinasikat niyang awitin dahil bumilib siya kay L.A.

Proud na proud si Mel na ngayon ay manager na rin ng Papin Entertainment Productions.

Maraming salamat din sa mommy ni L.A. na si Mrs. Santos dahil siya ang personal na nag-asikaso sa aming mga press people at si Ruby na anak ni Bellie Flores ang talagang bising-busy.

vuukle comment

IMELDA PAPIN

L.A. SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with