^

Pang Movies

May naghahabol? Award ni Maine Mendoza kay Kathryn Bernardo daw dapat talaga!

Vir Gonzales - Pang-masa
May naghahabol? Award ni Maine Mendoza kay Kathryn Bernardo daw dapat talaga!

MANILA, Philippines — Parang may gagawing project sina Maine Mendoza at Arjo Atayde dahil sa ingay ng kanilang relasyon.

Mapapansing laman ng pahayagan at social media ang tungkol sa kanila. Bawat galaw ng dalawa ay may kakambal na kuwento at intriga.

Samantala, may nagtatanong. Bakit daw si Maine ang binigyan ng titulong Box Office Queen gayung wala naman itong pelikula na pinilahan? Dapat daw ay si Kathryn Bernardo ibinigay ang naturang award dahil ang pelikula niyang How’s of Us kasama si Daniel Padilla ang siyang nag-akyat ng maraming datung sa sinehan.

Bakit nga ba? Di ba dapat si Kathryn? Di ba ang basehan nila ay kung magkano ang kinita ng isang pelikula?

Rita may tinatapos na bagong libro

Naninibago sa kanyang mataray na role ang tinataguriang teleserye lucky charm na si Ms. Rita Avila sa seryeng Hiram Na Anak.

Paano ba naman, napakasungit ng kanyang papel sa batang kanyang inaaruga.

Inaalagaan niya ang anak nina Yasmien Kurdi at Dion Ignacio sa nasabing palabas.

Mabuti na nga lang at alam ng bata na umaarte lang siya dahil baka akalain daw nito na talagang masungit siya in real life.

Anyway, may bagong librong tinatapos si Rita na pambata. Kakaiba raw ang kwento nito na tiyak kapupulutan ng aral.

Nabigyan ng hustisya…

Maswerte ang bagets singer na si L.A. Santos na mapabilang sa pamilya ng Star Music. Napili siya ng tumatakbong Vice Governor ng Camsur, ang Juxebox Queen na si Imelda Papin para kumanta at bigyan ng bagong areglo ang kanta nitong Isang Linggong Pag-Ibig.

Natural, super happy si mommy Flor Santos dahil making waves ang kanyang anak na nabigyan ng justice ang kanta.

Happy Birthday…

Birthday greetings to March born celebrities / writers Kathyrn Bernardo, Vice Ganda, Rebecca Rocha, Glen Regondola at Karylle.

vuukle comment

ARJO ATAYDE

KATHRYN BERNARDO

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with