^

Pang Movies

Mark at Winwyn naging busy sa trabaho nang maghiwalay

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Mark at Winwyn naging busy sa trabaho nang maghiwalay

Itinanggi ni Mark Herras na gimmick lamang nila ng former girlfriend na si Winwyn Marquez ang kanilang break-up dahil nasabay ito sa pelikula ni Winwyn na Time & Again, at ngayon naman si Mark sa bago niyang soap sa GMA Network, ang Bihag.

Hindi raw naman siya ganoon, sabi ni Mark sa mediacon.“Hindi po ako gagawa ng ganoong issue para lamang mapag-usapan,” sagot ni Mark. “Mabuti pa gumawa na lamang tayo ng video na pwede tayong mapag-usapan,” biro pa niya. “Totoo po iyong sinabi ko na nagsimula lamang ito sa maliliit na bagay na later on, lumalaki na, kaya nag-usap kami na hindi na healthy for both of us ang nangyayari at maganda na pareho ang naging mutual ang decision namin na maghiwalay na lamang para makapag-concentrate kami sa mga trabaho namin. 

“It’s a blessing naman na may bago akong work, ito ngang Bihag at siya ay may sisimulan ding bagong soap sa GMA.  Sa ngayon po ay hindi pa kami muli nagkakausap ni Win.”

Sa Monday na, April 1, sa GMA Afternoon Prime ang world premiere ng Bihag na dinidirek ni Neal del Rosario, after ng Inagaw Na Bituin.

Ken maraming natutunan sa may autism

Grand finale episode na mamaya ng My Special Tatay ni Ken Chan at sa interview sa kanila ng katambal na si Rita Daniela ng 24 Oras, sinabi ni Rita na noong last taping day nila ng soap, hindi mapigilan ni Ken ang mapaiyak.

“Minahal ko na po kasi itong project namin, ang mga kasama ko sa cast at kahit ang tenement sa Taguig na ginamit naming location, minahal na rin namin,” sagot ni Ken. “Wala po kaming naging problema doon. Kaya labis-labis ang pasasalamat namin sa kanila, at sa mga sumusubaybay sa amin araw-araw. Hindi po namin kayo malilimutan at dahil sa serye naming ito, marami po akong natutunan, lalo na ang mga taong may mild autism na ang hangad lamang nila ay respeto sa kanilang mga kalagayan.”

Mapapanood pa ang My Special Tatay mamaya after ng Inagaw na Bituin.

vuukle comment

MARK HERRAS

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with