^

Pang Movies

Isang linggo… ni Imelda, binuhay ni L.A.

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Isang linggo� ni Imelda, binuhay ni L.A.

Hindi lang pinayagan ni Imelda Papin na i-revive ni LA Santos ang kanyang kantang Isang Linggong Pag-ibig, siya pa mismo ang nag-produce nito. Sinasabi niyang pinagtulu­ngan nila ng composer na si Mon del Rosario ang pag-aayos ng kanta, medyo iniba nila ang musical arrangements dahil lalaki nga ang kakanta, binago rin nang kaunti ang lyrics, at inayos.

Kung pakikinggan mo nga ang hit song na iyon, ibang-iba na ang dating ngayon.

Ang sinasabi nga ni Imelda, nagawa iyong lahat dahil naniniwala siya sa talent ni LA, at sa palagay niya, ang kailangan lang noon ay isang hit song para mas mapansin ng publiko. Pinag-uusapan lang daw nila iyon ng mother ni LA, at bigla ngang natuloy na lang ang lahat.

Dahil si LA ay nasa Star Music, ibinigay naman nila sa kumpanya ang distribution.

Noong una nga raw ay hindi rin malaman ng mga taga-Star Music kung papaano nga ba mare-revive ni LA ang kanta dahil masyadong identified iyon kay Imelda, pero nang marinig nila ang recording mismo, nag-desisyon silang i-release nga agad ito dahil naniniwala silang bebenta nga iyon.

Ang kantang iyan ay may mahabang istorya. Actually kanta ‘yang ginawa para sa kapatid ni Imelda na si Gloria Papin. Noong pabalik na sa Pilipinas si Imelda matapos ang mahabang panahon ng paninirahan sa US, ayaw niyang magbalik kung wala rin lang siyang kantang magagawang hit. Naalala nila ang kanta ng kapatid na si Gloria. Pinalitan nila ang title, at binago rin ang areglo ng kanta. Ang Isang Linggong Pag-ibig ay Side B ng single na ginawa niya. Hindi iyan ang pang-plug. Pero nang marinig ng mga DJ ang kanta, iyon ang pinatugtog nila at hindi iyong side A. Naging isang malaking hit ang kanta.

Ang sinasabi nga namin, noong araw ay naging witness kami sa panahon ni Imelda Papin, na umaga pa lang iyong mga may tindahan ng plaka ay nakaupo na sa bangketa at hinihintay ang pagde-deliver ng kanyang mga plaka. Kung sino kasi ang unang magkaroon sa kanilang tindahan, jackpot na iyon.

Mangyari rin kaya ang ganoon kay LA?

Migo patung-patong ang kaso

Siguro nga dahil sa kalasingan, sinasabi ni Migo Adecer na hindi niya namalayang may nabundol siyang dalawang riders sa JP Rizal, Barangay Poblacion sa Makati, kaya tuluy-tuloy ang kanyang minamanehong puting Subaru.

Hinabol siya ng mga pulis, at na-corner doon sa may kanto ng Nicanor Garcia, medyo malayo na. Iyan iyong dating kalye Reposo. Tinangka pa rin niyang tumakas kaya naatrasan niya ang isang mobile ng pulis na humarang sa likod ng kotse niya.

Mga empleyado ng MMDA ang nabundol niya, kinilala silang sina Rogelio Castellano at Michelle Gallova Papin, na mabilis namang naisugod ng mga concerned citizen  sa Ospital ng Makati. Bago nag-hatinggabi, napauwi na mula sa ospital ang dalawa, pero may injury talaga.

May problema pa si Migo, mga bandang alas singko daw ng hapon, nahuli na rin iyan at natiketan na sa may Rockwell at nakumpiska na ang lisensiya. Ang ipinagtataka ng mga pulis, bakit noong mahuli siya noong gabi ay may nailabas siyang isa pang lisensiya. Maliwanag na ang isa roon ay fake, at iyan ay malaking kaso rin.

So far sinabi ng kanyang abugado na pananagutan niya ang gastos sa pagpapagamot ng kanyang mga naging biktima, pero doon sa ibang kasong isasampa laban sa kanya, aywan kung papaano siya lulusot. Pero maaari naman siyang magpiyansa, kaya siguro magagawa pa rin niya sa ngayon ang kanyang serye, pero pagdating ng panahon, aywan na lang.

vuukle comment

IMELDA PAPIN

LA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with