^

Pang Movies

Singer-actress sinukuan na ang mabahong kili-kili ng nakaka-duet na singer

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang tanging request ng isang singer-actress sa nakakasama niyang male singer sa mga show sa probinsya ay huwag daw siyang akba­yan dahil hindi nito nagugustuhan ang amoy na nanggagaling sa kili-kili nito.

Nagsimula nga ang reklamong ito ng singer-actress sa male singer na may matinding B.O. nang minsan silang mag-show sa probinsya. Sobrang init kasi sa resort kungsaan sila nagtanghal. 

Naka-sando lang daw si male singer samantalang naka-sun dress naman si singer-actress. Umakbay raw si male singer kay singer-actress habang nag-duet sila. Pagkatapos ng kanilang duet ay may naaamoy na hindi maganda si drama actress sa kanyang damit. 

Kaagad niyang hinubad ang kanyang dress at inamoy. Mabaho ang amoy sa may balikat kung saan dumampi ang kili-kili ng male singer. Parang pinaghalong sunog na bawang at sibuyas.

Ayaw namang mangbintang ni singer-actress. Inisip na lang niya na baka hindi bagay ang deodorant na ginagamit nito at hindi maganda ang reaction sa pawis niya.

Pero sa mga sumunod na shows nila ay yun pa rin daw ang mabahong amoy ng singer-actress sa kanyang damit. Kung saan luma-landing ang kili-kili ni male singer, dun daw may hindi magandang amoy.

Para makumpirma ng husto ni singer-actress, hinintay niyang idampi ni male singer ang kili-kili nito sa isang bagay at agad niya itong aamuyin. Nangyari nga ang matagal nang hinihintay na gawin ni male singer. Dinikit nito ang kanyang kili-kili sa sofa ng hotel kung saan sila nag-overnight. 

Pagkaalis nga raw ng male singer ay inamoy agad ni singer-actress ang pinanggalingan ng kili-kili ng male singer sa sofa at mabaho ang amoy. Same na amoy na nasa damit niya na dinidikitan ng kili-kili nito. Kaya confirmed na may B.O. talaga ang male singer!

Hindi ngayon alam ni male singer na umiiwas na lang si drama actress sa mabahong kili-kili niya.

Kiray nahanap na ang ‘the one’

Super happy si Kiray Celis sa pagbalita na two years na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Ayon kay Kiray, isang private person ang kanyang businessman boyfriend kaya hindi ito sumasama sa kanya sa mga lakad niya. 

Pero sa mga gustong makita ang pruweba na totoo at hindi ilusyon ang boyfriend niya, makikita raw nila ito sa kanilang restaurant business na Chicks and Fins sa San Miguel, Manila.

“We’re going two years and I’m very happy, kasama ko siya sa business namin sa Chicks and Fins. Siya ‘yung mas more on sa business kasi siyempre dito pa rin ako nag-stick sa kung saan ako nagtatrabaho.”

Para kay Kiray, nahanap na niya ang “the one” sa kanyang boyfriend.

“I really hope and I really wish na talaga na siya na ang the one kasi first boyfriend ko s’ya and I can’t imagine na parang meron na naman akong bagong kikilalanin, bagong aalamin ng ugali, bagong ipapakilala sa mga tao,” sabi ni Kiray na mapapanood soon sa GMA teleserye na Love You Two.

vuukle comment

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with