^

Pang Movies

Arjo sasamahan si maine na tumanggap ng box office queen award!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Arjo sasamahan si maine na tumanggap ng box office queen award!
Arjo

Alam mo, Ateng Salve, nagkakagulo ang ArMaine fans nina Arjo Atayde at Maine Mendoza dahil nabalitaan nila na pupunta raw ang aktor sa 50th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) na gaganapin bukas sa Star Theater (tabi ng Aliw Theater) sa Star City para suportahan ang phenomenal star ng Eat Bulaga na gagawaran ng Box-office Queen award.

Ang bongga ng ArMaine fans at updated sila, huh!

Pero, teka! Hindi kaya surprise dapat ‘yon ni Arjo kay Maine at ngayon ay nabu­king na dahil sa mga fan?

Well...

Anyway, speaking of that event, aba, ang daming big stars na bibigyan ng awards at top nga sa list sina Vice Ganda, Richard Gutierrez, Dingdong Dantes, Coco Martin at Vic Sotto, pati sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kaya ang tanong ngayon — darating ba roon ang lahat ng mga awardee?

Sana naman, huh!

Saka kung lahat nga ng mga awardee ay darating, hindi kaya uma­gahin ang event na ‘yon sa rami ng paparangalan?

Hehehe!

Oo nga pala, ang liit lang ng Star Theater, kaya paano kaya magkakasya roon ang mga awardee, pati ang mga kasama nila, pati na rin ang mga miron?!

Sana naman mas malaking venue ang kinuha, ‘noh?!

“Nilibot ko na lahat ng malalaking venues, pero lahat may events din. Karamihan, graduation, kaya sa mas maliit na venue kami napunta,” paliwanag ng producer ng event na si Tessie Celestino.

Oh, well...

Trailer pa lang, akting ni Sylvia, nakakaiyak

Ang Jesusa movie ni Sylvia Sanchez sa Sinag Maynila Film Festival.

“Jesusa is part of Sinag Maynila that will start April 4-17. Our premiere night is on April 6, and the awards night is on April 7. 

“Ibyang (tawag kay Sylvia) rebooked their tickets for her to be able to attend the Premiere night of Jesusa. They are supposed to be flying to Japan that time,” text sa akin ni Albert Sunga na namamahala sa promotions ng Jesusa.

Naniniwala ang mga taga-Jesusa na mananalo ng award si Sylvia para sa pelikulang ‘yon.

In fairness, trailer pa lang nito ay maiiyak ka na sa acting ng aktres.

JV kulang pa ang ingay

Ang comment ng isang kaibigan ko na kahit nagpa-meet the press kamakailan si JV Ejercito ay parang hindi pa rin naman masyadong napag-uusapan ang kandidatura nito para sa kanyang re-election.

Sabi pa ng kaibigan ko, mas malakas na hindi hamak si Jinggoy Estrada na like JV ay kumakandidato uli sa pagka-senator.

Well, obvious naman!

 

vuukle comment

BOX OFFICE QUEEN AWARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with