^

Pang Movies

Aktres umamin na, Cristine at mister, sa anak na lang magkasundo

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Aktres umamin na, Cristine at mister, sa anak na lang magkasundo
Cristine

“We’re civil,” ang sagot ni Cristine Reyes patungkol sa sitwasyon nila ngayon ng asawang si Ali Khatibi in an interview with Karen Davila na umere sa ANC’s Headstart kahapon.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang matagal nang tsismis na hiwalay na silang mag-asawa although parehong wala pa silang anumang pahayag tungkol dito.

“We’re in good terms, especially with things we have to do when it comes to ­Amarah,” dagdag pa ni Cristine.

Natanong din ang aktres on her views about marriage at sey niya, “Ideally, it shouldn’t end, but it depends on the circumstances… But for me, if you’re not happy, you should do something about it.”

Last year pa lumutang ang balitang hiwalayan ng mag-asawa and since then ay naging mailap na siya tungkol sa isyung ito.

Sa presscon nga ng action-film niyang Maria ay halatang ingat na ingat siya na maungkat ito at talagang hindi rin pwedeng itanong.

Samantala, kung ang personal life niya ay may pinagdadaanan, bongga naman ang career niya ngayon dahil bukod sa pelikula ay nagbabalik din siya sa paggawa ng teleserye.

Kasama siya sa drama series na Nang Ngumiti ang Langit ng ABS-CBN kung saan ay gumaganap siyang kontrabida for the first time.

“Actually, hiningi ko ‘to kay RSB (Ruel S. Bayani, business unit head). Two years ago, ginagawa ko pa lang ‘yung Tubig at Langis, sabi ko kay direk Ruel, ‘direk Ruel, gusto ko naman ano, gumawa ng bago na hindi na siguro ‘yung inaapi. Gusto ko naman ng something new na. . .alam mo ‘yun, ma-explore ko naman ‘yung other side ng acting world na ako naman ‘yung kontrabida, ako naman ‘yung mang-aapi,’” kwento ni Cristine.

Kaso, napanood daw agad ng anak niyang si Amarah ang unang eksena nila ni Sophia nang mag-VTR sila.

“Napanood agad ni Amarah, nakakatawa, pero naintindihan naman niya, in-explain ko naman. Kasi ito namang si Mikmik, nandu’n din, tapos nag-smile siya kay Amarah.

“So, okay naman. I’m happy kasi pinagbigyan ako ni RSB  na gumawa ng something new,” sey pa ni Cristine.

Sabi raw sa kanya ng anak, “mommy, why are you like that?” nung tinatapakan ko ‘yung plant ni Mikmik (sa eksena). Sabi ko, “‘baby, it’s just acting, Mommy’s just acting, look at Mikmik o, she’s smiling, we’re just pretending,’” kwento pa ni Cristine.

Magsisimula na ang Nang Ngumiti ang Langit sa Monday, March 25 mula sa direksyon ni FM Reyes.

Anne nagalingan kay Jasmine

Halatang proud sister si Anne Curtis kay Jasmine Curtis dahil sa mahusay nitong pagganap bilang Manisan sa GMA epic seryeng Sahaya na nagsimula last Monday.

Nag-tweet si Anne praising her younger sister sa highlight video ng Sahaya na napanood niya at tinawag ang pansin ng GMA network na sana raw ay laging ganito ang ibigay na role kay Jasmine.

“Watched this highlight video of my Sestram for her performance in Sahaya. Hi GMA more roles like this for my amazing actress of a Sestra. Love you! Napakahusay mo talaga!!!!” ang tweet ni Anne.

Nag-reply naman si Jasmine at nag-I love you rin sa kanyang ate.

Hindi lang si Anne ang nagalingan kay Jasmine kundi ang halos lahat ng nakapanood sa kanya. Simula nang mag-pilot last Monday ang serye ay wala nang tigil ang pagbuhos ng mga pa­puri sa kanyang acting.

vuukle comment

CRISTINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with