^

Pang Movies

Nanggagamit kay Chokoleit hindi pinalagpas nina Pokwang

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Nanggagamit kay Chokoleit hindi pinalagpas nina Pokwang
Chokoleit

Nagsanib-puwersa ang mga komedyanteng sina Pokwang, K Brosas, Kakai Bautista at Pooh para talakan ang paggamit ng isang produkto sa litrato ng yumaong si Chokoleit para i-promote ito.

Pinost ni K sa kanyang Instagram ang screen shot ng produkto kasama ang pictures ni Chokoleit. Nagkomento siya pati na sina Pokwang at Pooh na burahin ang post nila.

Naloka ang singer-comedienne na sa halip sundin ang hiling nilang tatlo na burahin ang litrato ng namatay na kaibigan, ang comments nila ang binura, huh!

Pinagdiinan ni K na bawal ang ginawa ng produkto na gamitin ng pic ng isang sinuman na hindi nila endorser. Ikinawindang niya ang saad ng produkto na kung uminom si Chokoleit ng produkto, malamang ay buhay pa siya.

‘RESPETO lang naman!” bahagi ng komento ni K.

“SOBRANG KAPAL NG MUKHA,” sey naman ni Kakai.

“Buhay pa kaya yang hayup nayan?” comment naman ni Pokwang.

Naku, isuplong na ‘yan sa awtoridad, huh!

David at shaira sasabak sa digital series

Nalito kami nang makita namin sa social media ang team up nina David Licauco at Shaira Diaz na akala namin ay movie, ang One Hugot Away. Nakasaad pa na sa March 25 ang showing nito.

Naisip namin na baka pinalitan ang title ng movie nilang Because I Love You under ALV Films at GMA na ang magdi-distribute.

Sa paglilinaw ng taga-GMA Corporate Communications, isa pala itong digital series mula sa GMA News & Public Affairs. Eh sanay kasi ang publiko na award-winning documentaries at programs ang handog ng grupo.

So this time, love stories naman ang bet ng GMA News & Public Affairs, huh!

vuukle comment

CHOKOLEIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with