^

Pang Movies

Maraming artista, nag-uunahan sa inayawang trabaho ni Piolo Pascual!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Maraming artista, nag-uunahan sa inayawang trabaho ni Piolo Pascual!

Kung ayaw nang gumawa ni Piolo Pascual ng mga teleserye, gustung-gusto naman ng ibang mga artista na umapir sa mga television series dahil nakakaipon sila ng pera.

Can afford naman kasi si Piolo na tumanggi sa mga offer na teleserye dahil nakaipon na siya at for sure, marami na siyang investment.

May mga artista naman na kahit nakaipon na, type pa rin na magkaroon ng mga television series dahil bukod sa mataas ang talent fee, talagang passion nila ang umarte sa harap ng mga camera.

Hindi nila iniinda ang pagpupuyat dahil puwedeng-puwede naman sila na matulog nang maghapon kapag walang mga taping schedule. Saka, hindi na sila makakahanap ng trabaho na libu-libo ang talent fee na hindi basta kinikita ng isang ordinaryong empleyado na working sa opisina.

Tonton ayaw na ayaw sa stress!

Birthday ni Tonton Gutierrez noong Miyerkules pero hindi siya nagkaroon ng bonggang birthday celebration.

Isa si Tonton sa mga alaga ko na walang kaarte-arte sa katawan at hindi mahilig sa mga party dahil tahimik na dinner lang na kasama ang kanyang mga mahal sa buhay ang gusto niya.

Kita n’yo naman, golden boy na si Tonton noong 2018 pero hindi natin nabalitaan na nagkaroon siya ng big celebration para sa kanyang 50th birthday.

Fifty one years-old na si Tonton pero wala sa itsura niya dahil marunong siya na mag-alaga ng katawan. Hate na hate ni Tonton ang stress dahil isa raw ito sa cause ng cancer.

As usual, good health at more blessings ang mga birthday wish ko para kay Tonton na very happy sa piling ng kanyang misis na si Glydel Mercado at ng kanilang dalawang anak.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with