^

Pang Movies

Fans ni Maine Mendoza laging ligalig sa pagbabantay!

STARTALK - Lolit Solis - Philstar.com
Fans ni Maine Mendoza laging ligalig sa pagbabantay!
Maine Mendoza

Nag-post ang TAPE Inc. executive na si Malou Fagar ng mga picture nila na kuha sa Holy Land pero missing si Maine Mendoza dahil nauna na itong bumalik sa Pilipinas.

Ang ending, si Mama Malou ang kinukulit ng fans ni Maine tungkol sa kinaroroonan nito.

Maraming tanong ang fans kay Mama Malou pero sinabi nito na hindi siya ang manager ni Maine at nag-explain na umuwi na nang Maynila ang dalaga dahil may shoot ito.

Ibang klase talaga ang fans and supporters ni Maine dahil lahat ng kilos nito, sinusubaybayan nila. Hindi nga ako magtataka kung mas mara­ming alam ang fans tungkol kay Maine kesa sa pamilya nito.

May fans kasi na talagang napupuyat sa Internet surfing para malaman ang mga lugar na pinupuntahan at ang activities ng kanilang mga hinahangaan na artista.

Pero may mga artista rin na masipag sa pagsagot sa mga tanong ng fans na nababasa nila sa kanilang mga social media account.

May kilala ako na celebrity na hindi na yata natutulog dahil papasikat na ang araw, gising pa rin at aligaga sa pagsagot sa tanong ng mga faney. Ang nangyayari tuloy, kulang siya sa tulog kaya madaling mairita at hindi na nakaka-function na mabuti sa maghapon.

Hindi nag-iisa ang celebrity dahil marami ang kagaya niya na maghapon at magdamag na nakatutok sa kanilang mga laptop para mag-imbestiga kung relevant pa rin sila sa showbiz.

Julia Montes hinahanap na ng fans!

Kahapon pala ang 24th birthday ni Julia Montes na miss na miss na ng fans niya dahil matagal na siyang wala sa sirkulasyon.

Nakikibalita na lang ang fans sa mga nangyayari kay Julia sa pamamagitan ng social media accounts nito.

Eh bihirang mag-post si Julia kaya bitin na bitin ang pakiramdam ng mga tagahanga niya.

May mga nagsabi noong February 2019 na isang buwan na lang, babalik na si Julia sa Pilipinas pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Ang mapanood uli siya sa TV ang request kay Julia ng fans na matagal nang nangungulila sa kanya.

Malaking bahagi ng lupain ng Mowelfund ibinenta

Hoping ang Mowelfund members na dadalo si Papa Joseph Estrada sa 45th anniversary celebration ng kanilang foundation sa March 23.

Si Papa Erap ang founder ng Mowelfund kaya hindi siya puwedeng mawala sa pagdiriwang na magi­ging makasaysayan dahil gigibain na ang lumang Mowelfund building na ipinatayo niya.

Malaki at maganda ang location ng Mowelfund sa Rosario Drive sa New Manila, Quezon City pero kailangan ng pondo kaya nag-decide ang board of directors na ibenta sa isang construction and development corporation ang malaking bahagi ng lupain.

Nalungkot ang members ng Mowelfund nang malaman nila ang nangyari pero mas mahalaga na magkaroon ng pondo ang foundation para magpatuloy ang pagtulong nito sa mga miyembro.

Sina Boots Anson Roa-Rodrigo at Manay Marichu Vera Perez-Maceda ang dalawa sa mga opisyal ng Mowelfund.

Kung tutuusin, puwede nang mag-retire ang dalawa mula sa kanilang posisyon pero ayaw silang payagan ni Papa Erap.

Asset kasi ng Mowelfund sina Boots at Manay Ichu kaya mahirap sila na palitan. Hindi madali na makahanap ng replacement ng dalawa dahil hindi masusukat ang pagmamahal at ang malasakit nila sa Philippine movie industry.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with